^

True Confessions

Hiyasmin (315)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Sinabi ko na ito kay Hiyasmin­ pero gusto kong marinig mo mula sa akin. Ikaw ang dapat makarinig ng mga habilin ni Rashid. Gusto ko masabi sa iyo lahat ang mga sinabi ng aking kapatid,’’ sabi ni Mary kay Mama Lira.

“Nasabi nga sa akin ni Hiyasmin ang tungkol sa iniwan ni Rashid at hindi ako makapaniwala, Mary. Hindi ko akalain na labis-labis ang pagmamahal sa amin ni Rashid.”

“Biniro ko nga si Hiyasmin na ang iniwan ng kanyang papa ay sapat-sapat na o sobra pa. Maski hindi na siya magtrabaho ay kaya siyang buhayin ng kayamanang iniwan ni Rashid.”

“Napa­ka­buti ni Rashid, Mary.”

“Sabi sa akin ni Ra­shid noon, may plano siyang sundan ka rito sa Pilipinas subalit hindi nagkaroon ng katuparan dahil sa pagtutol ng aming mga magulang. Masyado siyang napanghimasukan ng aming parents. Palib­hasa ay nag-iisang lalaki. Hindi ko naman masisi si Rashid dahil masunurin siya—mabait kasi siya.”

“Oo, Mary—tama ka, mabait nga si Ra­shid.”

“Alam ko, napatawad mo na ang kapatid ko, Lira.”

“Noon pa, Mary—matagal ko nang napatawad si Rashid.”

(Itutuloy)

HABILIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with