Suklam (69)

HINAYAAN ni Brent na magsalita ang kanyang tatay. Makalipas ang maraming taon mula nang mangyari ang tinuturing niyang trahedya sa kanilang pamilya, ngayon na lamang ulit ito nagsalita nang may kaugnayan doon. Marami pa ring kinikimkim ang kan­yang tatay kaya mas maganda na ilabas lahat iyon. Hindi rin maganda na iniipon sa dibdib ang mga sama ng loob.

“Pasensiya ka na Brent kung naalala ko ang nang­yari sa ating pamilya. Ayaw ko na sanang alalahanin pero nahalungkat uli. Sigu­ro’y dahil sa nangyari sa kaibigan mong si Julio kaya nanariwa. Pero wala na sa akin yun—nabanggit ko lang.”

“Okey lang naman ‘Tay. Maganda nga kung ilalabas ang mga naiipon sa dibdib.’’

“Naalala ko lang kasi ang mga hirap na naranasan. Sa pamamagitan ng pagsisikap ay naigapang ko kayo. Hindi ako nagpa­apekto sa ginawa sa akin ng ina n’yo. Ang naisip ko kasi nun ay ang kinabukasan n’yo. Mabuti na lang at nakapag-isip ako nang maayos nun,’’ sabi at napangiti.

“Kaya nga humahanga ako sa’yo Tatay—iba ka sa mga ama. Ipinagmamalaki kita.’’

“Salamat Brent.’’

“Gusto ko ngang sabihin kay Julio, gayahin mo ang tatay ko—ikaw yun.’’

“Sabagay di ba hina­yaan na rin ni Julio ang taksil na asawa?’’

“Oo nga ‘Tay, pero nara­ramdaman ko, parang gus­tong patawarin ni Julio. ‘Yan ang nararamdaman ko sa kanya.’’

Napailing ang tatay ni Brent.

Itutuloy

Show comments