^

True Confessions

Kastilaloy (12)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DESIDIDO si Garet na may malaman pa ukol sa pagkatao ni Kastilaloy. At ngayong wala nang pag-asa na makita ang taong nagpalibing kay Kastilaloy, ang iniisip niyang hanapin ay ang asawa at nag-iisang “anak” ni Kastilaloy. Sabi ng kanyang mama, hindi naman daw talaga anak ni Kastilaloy ang anak nila ni Amparo. Nanlalaki raw si Amparo at ang bunga ay isang anak na babae na ang pangalan ay Carmina.

Kinuwenta niya kung ilan na ang edad ni Amparo. Humigit-kumulang ay mahigit 80 anyos na siguro. Buhay pa kaya? Maaaring magkasing-edad lang siguro sila ni Kastilaloy. Baka naman buhay pa si Amparo. Kung buhay pa ito at makikita niya, tiyak na solb na ang project niya kay Kastilaloy. Magkakaroon din ng wakas ang paghahanap niya. Matutuldukan na ang mahiwagang buhay ni Kastilaloy.

Ang anak naman ni Kastilaloy na si Carmina ang kinuwenta niya ang edad. Baka nasa mahigit 50 anyos na si Carmina. Bale ito ang kasing-edad ng kanyang mama. Ang kanyang mama ay 55 na. Maaaring 52 o 53 si Carmina.

Naisip ni Garet, maaa-ring may nalalaman ang kanyang mama ukol kina Amparo at Carmina. Sabi ng kanyang mama noon, mula raw nang layasan ni Kastilaloy ang mag-ina ay hindi na niya nakita ang mag-ina. Kailangang malaman ni Garet kung ano ang itsura ni Amparo at anak na si Carmina.

Isang araw, ki­nausap ni Garet ang kanyang Mama Julia. Napataas ang kilay ni Mama Julia.

“Akala ko hindi ka na interesado kay Kastilaloy?”

“Hindi, Mama. Gusto kong malaman ang iba pa niyang kababalaghan. Nasi­mulan ko na rin lang ay itutuloy ko na. At saka di ba, gusto mo ring malaman kung nasaan na ang mga alahas.’’

“Oo. Pero kung mahihirapan ka, hayaan mo na.’’

“Hindi ako mahihirapan Mama. Kaya kong halungkatin ang buhay ni Kastilaloy.’’

“Ano pa ang gusto mong malaman?”

“Tungkol sa asawa at anak ni Kastilaloy --- sina Amparo at Carmina. Alam mo kung nasaan sila?’’

“Hindi ko nga alam. Mula nang layasan ni Kastilaloy ang mag-ina, wala  nang balita ukol sa kanila.’’

“Posible kayang buhay pa si Amparo? Kasi sa tantiya ko mga past 80 years old na siya.’’

“Baka patay na. Ewan ko.’’

“E ang anak na si Carmina?’’

“Hindi ko rin alam.’’

“Saan ba sila nakatira noon?’’

“Sa Blumentritt St.’’

“Madali bang puntahan ‘yun, Mama.’’

“Ano ka ba Margarita, pati ba tirahan nila e gusto mong saliksikin.’’

“Sige na Ma, saan malapit ang Blumentritt?’’

“Sa España St.”

Napangiti si Garet. Bukas, pupuntahan niya ang Blumentritt.” (Itutuloy)

vuukle comment

AMPARO

ANAK

ANO

BLUMENTRITT

CARMINA

GARET

KASTILALOY

MAMA

MAMA JULIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with