^

True Confessions

Alakdan (135)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

HINDI pa rin tumigil si Troy sa paghahanap kay Krea-my. Paglabas ng trabaho sa umaga, nagbabakasakali siyang makikita si Kreamy. Tumatambay siya sa may Plaza Miranda sa Quiapo. Bakasakaling doon niya makita. Nag-aabang din siya may Carriedo kung saan lumalabas ang mga tao sa simbahan ng Quiapo. Maaaring magsimba si Kreamy at matiyempuhan niya. Mas madalas siya sa Quiapo kung Biyernes. Pag­labas sa trabaho deretso siya sa Quiapo. Nakatutok ang kanyang mga mata sa mga lumalabas at pumapasok sa simbahan. Alam niya, madasalin si Kreamy. Nang nakaratay ang papa nito noong unang atakehin, nabanggit na gusto niyang magnobena sa Quiapo. Hindi lang niya alam kung natuloy ang pagnonobena dahil mula nang mailabas sa ospital ang ama ay siya na ang nag-alaga rito.

Inaabot ng hanggang alas-tres ng hapon sa Quiapo si Troy. Kapag inaakalang hindi na makikita si Kreamy ay saka lamang uuwi at matutulog. Maaari pa siyang matulog ng ilang oras bago pumasok sa trabaho. Pagdating sa bahay, ibabagsak na niya ang katawan at iglap lang ay tulog na agad. Pagod na pagod siya.

Madalas, napapasarap siya sa tulog. At magigising siyang mag-aalas-diyes na ng gabi. Dapat alas nuwebe ay nakahanda na siya para sa pagpasok.

Pero kahit pasado alas- diyes ay nagmamadali pa rin siyang humabol. Delikado siyang hindi pumasok sapagkat maaari siyang mabuta-san ng istriktang superbisor.

Minsan, naatrasado na naman siya. Napagod na na­ man siya sa paghahanap kay Kreamy. Pasado alas diyes na nakabangon. Nagkukumahog siyang nagbihis. Hindi na siya maliligo. Kailangang makarating siya sa bodega. Tiyak na nakapila na ang mga delivery truck doon.

Lingid kay Troy, biglang nag-inspeksiyon ang mahigpit na superbisor. Nakita nito ang mga naghihintay na delivery truck. Halos magtrapik na sa may kanto sapagkat walang nagbubukas ng gate para makapasok ang mga truck.

Umuusok na ang ilong ng superbisor. Tinanong kung ano ang dahilan at naipon sa labas ang mga truck. Sinabi ng guwardiya na wala pa si Troy.

Lalo nang umusok ang ilong ng bisor.

“Makikita ng Troy na ‘yan ang hinahanap niya. Napaka-iresponsable!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BAKASAKALING

BIYERNES

CARRIEDO

DAPAT

KREAMY

PLAZA MIRANDA

SIYA

SIYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with