^

True Confessions

Ebo at Adan (Ika-5 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

TOTOO pala na may babae na dahil sa pagkadesperado sa ginagawa ng kanilang asawang pambababae ay nakaiisip gumanti —at ang ganti ay ang pagpatol sa ibang lalaki. Ang akala ko, mga kathang isip lamang o kuwento sa pelikula ang ganoon.

Ganyan ang nangyari sa amin ng kasamahan ko sa trabaho na si Greta. Sa ibang department si Greta. Nagkakasabay kami palagi sa canteen sa oras ng coffee break. At palibhasa’y iisang kompanya kaya madaling nagkakilala. Mula noon ay lagi na kaming nagsasabay sa pagkakape. Hanggang sa ang table sa sulok ng canteen ang naging paborito naming puwesto.

Maganda si Greta. Kayumanggi. May mga matang tila tumatawa kapag siya ay nagsasalita. May isang anak. Ang mister daw niya ay sa isang malaking company ng gatas nagtatrabaho. Limang taon na raw siya sa aming kompanya.

Kung anu-ano pa ang aming napagkukuwentuhan. Pero wala siyang naikukuwento tungkol sa asawa niyang palikero. Medyo nasaling ang damdamin ko dahil isa ring "playboy". Iyon nga lang me class.

Naging malapit kami sa isa’t isa ni Greta. Walang namagitan sa aming pag-uusap. Tanging sa mga mata lamang kami nagkaayos. Tinginan ng makahulugan.

Hanggang sa isang hapon na uwian ay magkasama na kami sa aking kotse. At ako na sanay na sa mga ganoong sitwasyon ay kalmado. Isa na namang babae ang matitikman ko. Madadagdag si Greta sa listahan ng mga babaing nakalaro ko.

Sa paborito kong "telmo" sa Sta. Mesa kami humantong. Naganap ang lahat sa isang iglap lamang. Parang hindi ako makapaniwala.

At saka nalaman ko sa kanya, na gumanti lamang siya sa kanyang mister na isang "super playboy".

Grabe na raw ang pambababae na halos wala nang maibigay sa kanyang suweldo. Mabuti nga raw at nagkataong may trabaho siya. Kung wala, kawawa silang mag-ina.

"Bakit ako ang napili mong kasapakatin sa paghihiganti?"

"Ayaw mo?"

"Nangyari na e."

"Wala lang. Siguro dahil sa type rin kita."

Bago natapos ang takdang oras sa "telmo" nakagawa pa kami ni Greta ng isang round. Sapat nang ganti sa asawang playboy.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BAKIT

BATAY

GANYAN

GRABE

GRETA

HANGGANG

ISA

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with