^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-21 na labas)

- Ronnie M. Halos -
NAGKASUGAT-SUGAT ang paa ni Inay dahil sa pagkakatapak sa mga basurang nakakalat sa disyerto. Ilang pa siyang nadapa sapagkat hindi na niya makita ang tinatakbuhan. Nagkaroon din ng sugat ang braso niya at pati ang pisngi ay nagasgasan dahil sa pagkakadapa. Pinipilit niyang makabangon. Hindi siya tumitigil at lumilingon sa pinanggalingan. Matindi pa rin ang naramdaman niyang kaba dahil sa pangyayari.

Sa tantiya ni Inay may dalawampung minuto siyang tumakbo o mahigit pa bago tumigil. Napalugmok siya sa dakong iyon ng disyerto na tanging ang mga bituin sa langit ang nakatanglaw at nakasaksi sa ginawa niyang pagtakas sa manyak na Pakistang drayber. Abut-abot ang kanyang paghinga.

Saka pa lamang niyang nagawang lingunin ang pinanggalingan. Walang sumusunod sa kanya. Natakasan niya ang manyak na driver. Nakahinga siya ng maluwag.

Ibinagsak niya ang katawan sa lupa. Iniunat ang katawan. Masarap ang pakiramdam. Bahala na kung ano ang susunod. Naidlip si Inay dahil sa matinding pagod at hirap. Nalimutan sandali ang mga pinagdaanang hirap at kasawian.

"Filibin ta’al!"


Ang mga salitang iyon ang nagpagising kay Inay. (Itutuloy)

vuukle comment

BAHALA

FILIBIN

IBINAGSAK

ILANG

INAY

INIUNAT

ITUTULOY

MASARAP

MATINDI

NAGKAROON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with