^

True Confessions

Mapait na asukal - Ika-5 Labas

-
Isa nga ako sa nagpayo kay Lara na mag-reduce upang mapansin ng mga kalalakihan. Sa totoo lamang, nang kunin ko siyang bridesmaid sa aking kasal ay marami ang lihim na pumupuna sa kanyang katabaan. Sayang daw ang ganda ng mukha kung patuloy na magiging balyena. At bubuntutan ng hagikhik. Maganda nga si Lara na kahawig ng dating artistang si Nadia Montenegro. Pero kahit pala maganda ay nawawalan din ng silbi kung makapal ang bilbil sa katawan. Ayaw nga sana ni Lara na maging bridesmaid ko sapagkat nahihiya na nga siya sa kanyang katawan. Ako lamang ang pumilit. Sabi ko’y magagalit ako sa kanya kapag hindi siya pumayag.

"Noon pa’y sinabihan na kita na bawasan na ang pagkain. Hindi ka nakinig. Ngayon ay malaki na ang problema mo," sabi ko kay Lara noon.

"Wala akong mapagbalingan ng mga sama ng loob."

"Gaga. Kalimutan mo na ang pagkamatay ng mommy mo. Ang intindihin mo e ’yang sarili mo. Kapag nagkasakit ka, lalo kang mamomroblema."

"Sa palagay mo, me magkagusto pa sa akin sa itsura kong ito?"

"Mukhang wala na. Ang hinahanap ng mga lalaki ngayon e iyong slim ang katawan. Gayahin mo ako, pamatay ang katawan," lumakad ako nang paseksi sa harapan niya. Kumimbot-kimbot ako habang nagtatawa.

"Masarap bang me boyfriend?" tanong ni Lara.

"Masarap. Kaya simulan mo na ang pagpapayat. Sa totoo lamang, puwede kang artista kung papayat ka."

Matapos akong ikasal ay hindi na nga kami masyadong nagkita ni Lara. Kung nagkakausap ay sa telepono lamang. Lalo nang naputol ang communication namin nang makakuha kami ng house and lot sa isang subdivision sa Quezon City. Nakatira sa Makati si Lara.

Nagbuntis ako at nanganak sa aming panganay ay hindi kami nagkita ni Lara. Lumipas ang tatlong taon at nagulat nga ako nang biglang sumulpot sa bahay si Lara. Buntis na ako sa ikalawa naming anak. Hindi ako makapaniwala sa nakitang kaanyuan ni Lara. Lalong gumanda. Seksi. Tipong artista talaga.

"Para kang nakakita ng multo," sabi niya sa akin.

"Hindi ako makapaniwala."

"Na magiging seksi ako."

Gustong lumuwa ng mga mata ko sa ganda ni Lara. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYAW

BUNTIS

GAYAHIN

GUSTONG

LARA

MASARAP

NADIA MONTENEGRO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with