^

PSN Showbiz

'Quail eggs' ni Atty. Topacio hinihintay uling ipusta

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Of course, invited ang lahat na panoorin ang Startalk ngayong hapon dahil ang hottest showbiz news ang aming ihahatid sa inyo.

Biggest news of the week ang word war nina Atty. Ferdinand Topacio at Mrs. Carina Binene, ang madir ni Bea. Sinisikap ng Startalk staff na makuha ang reaksiyon ni Mrs. Binene tungkol sa public apology na hinihingi ni Atty. Topacio na hinihintay ko na ipusta uli ang kanyang quail eggs bilang pagpapatunay na siya ang nagsasabi ng the truth and nothing but!

Christian suportado ng maraming celebrity sa X- Class

Nagsimula kagabi sa Meralco Theater ang X-Class, ang five-night anniversary concert ni Christian Bautista na nagdiriwang ng kanyang 10th year sa showbusiness ngayong 2012.

Maraming reporters at celebrities ang invited bukas, Oct. 7, sa anniversary show ng balladeer.

Flattered and honored ang mga kapwa celebrity na personal na inimbitahan para manood. Nag-promise sila na susuportahan ang X-Class dahil isa raw si Christian sa mga mababait na singer na nakilala nila.

Acting ni kris inaasahang paNg-award!

Dahil sa Coffee Prince, napilitan si Kris Bernal na mag-aral nang pagpapatakbo ng motorsiklo dahil kailangan ito sa eksena.

Determinadong babae si Kris kaya natuto siya na magpaandar ng tricycle at mapapanood ito sa mga eksena ng primetime show nila ni Aljur Abrenica.

Sikat na Koreanovela ang The Coffee Prince na may original title na The First Shop of Coffee Prince. Ipinalabas sa GMA 7ang Coffee Prince noong 2008 at nagustuhan ito ng mga Pinoy. Award-winning program sa South Korea ang The First Shop of Coffee Prince dahil nag-win ito na best tv drama sa 20th Korean Producers’ Award. Nanalo rin ng award ang mga artista ng Korean version.

Mag-win din kaya sina Kris at Aljur ng acting awards para sa pagganap nila sa Tagalog adaptation ng Coffee Prince?

Amy aligaga sa first birthday ng apo

Si Amy Austria ang punong-abala sa first birthday party ng kanyang apo, si Sophia Sabine Esmeralda Ventura-Adriano.

Matagal pa ang birthday ng bagets pero naplano na ni Amy ang mga gusto niya na mangyari. Nakatira sa New Zealand ang mga magulang ni Sophia pero siguradong uuwi sila ng Pilipinas para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang unica hija.

Tapos na ang tapings ni Amy para sa Lorenzo’s Time na nag-goodbye kagabi sa ere. May oras na uli si Esmeng para sa kanyang apo na kinalolokohan niya ng todo.

Sarap Diva umpisa na

Huwag ninyong kalimutan na ngayong umaga ang pilot telecast ng Sarap Diva, ang cooking show ni Regine Velasquez na mapapanood bago magsimula ang Eat Bulaga.

Inaabangan ng mga mahihilig magluto ang show ni Regine dahil sa kanilang kagustuhan na malaman ang kanyang mga paboritong lutuin at sikreto sa kusina. Type rin nilang makita ang pagkakaiba ng Sarap Diva sa cooking show ni Janice de Belen sa Net25.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

CHRISTIAN BAUTISTA

COFFEE PRINCE

EAT BULAGA

FERDINAND TOPACIO

FIRST SHOP OF COFFEE PRINCE

KOREAN PRODUCERS

KRIS BERNAL

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with