^

Metro

Clearing ops, isinagawa bago ang pagsasara ng EDSA-Kamuning flyover

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Clearing ops, isinagawa bago ang pagsasara ng EDSA-Kamuning flyover
Nagsagawa ang MMDA Strike Force na pinamumunuan ni Gabriel Go at Asst. General Manager for Operations David Angelo Vargas, ng clearing opertions sa may Scout Borromeo corner Scout Tuazon Streets, ang alternate route bago ang itinakdang partial closure ng EDSA-Kamuning Flyover.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng clea­ring operations sa mga alternatibong ruta at bangketa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang paghahanda sa nakatakdang partial closure para sa by-phase retrofitting ng southbound portion ng EDSA-Kamuning Flyover sa Quezon City.

Bukod sa road clea­ring operations laban sa mga iligal na nakaparadang sasakyan, nagsagawa rin ng sidewalk clearing operations para tugunan ang illegal vending, stall/store extensions, sidewalk encroachment, at iligal na pagtatapon ng basura na maaaring makahadlang sa paggamit ng mga pedestrian sa mga bangketa at maaaring magdulot ng masikip na traffic.

Pinangunahan ni MMDA Assistant Gen. Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang mga operasyon, kasama si Sidewalk Clearing ­Operations Group (SCOG) head Director Francisco Martinez, at Special ­Operations Group-Strike Force (SOG-SF) Officer-in-Charge Gabriel Go.

Ayon kay Vargas, kailangan ang sidewalk at road clearing operations upang matiyak na ang lahat ng mga alternatibong ruta ay mapupuntahan at walang sagabal para sa mga motorista.

Sa road clearing ­operations sa Panay Ave., Scout Borromeo, Sgt. Esguerra, Samar Ave., at iba pang lokas­yon sa loob ng lugar, may kabuuang 105 sasakyan ang nabigyan ng violation ticket para sa illegal parking, habang apat na sasakyan ang na-impound. Magmumulta ng P1,000 ang attended illegal parking at  P2,000 para sa mga sasakyang unattended o walang driver, habang ang mga na-tow ay dinala sa MMDA impounding area sa Tumana, Marikina City.

Ayon sa MMDA, sa Mayo 1, 2024 ang pagsisimula ng partial closure ng EDSA-Kamuning flyover at kahapon ay inilabas ang mga alternatibong ruta.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with