Tracking sa buhay ng anak
Kahit gaano ka-busy ang magulang sa trabaho at ibang commitments ay huwag kalimutan na i-track ang activities ng anak.
May interest ba ang anak na maging teacher o doktor? Anong paboritong subject ng bata? Gusto ba niyang sumali sa cultural show, karate tournament, o ibang sports?
Hindi kailangang masyadong maingay para lang i-check ang nangyayari sa bata, mas makatutulong ito para maging alam ang activities ng anak. Puwedeng i-share ang iyong personal na experiences upang makapagbigay ng advice na magsisilbing motivation sa anak. Warningan ang anak sa kanyang goals o desisyon ng anak sa puntong posibleng magkamali ang bata. Tanungin ang anak kung meron nang manliligaw, bf, o gf.
Siguraduhing ipaalam sa anak na okey lamang ito, basta alam niyang mag-set ng limitasyon at unahin ang kanilang priorities. May magulang din na may deal sa anak na hindi pa puwedeng magkaroon ng relasyon kung hindi pa tapos sa kanilang pag-aaral.
- Latest