Ex-partylist solon, inutas ng parking boy

MANILA, Philippines — Isang dating partylist solon ang nasawi nang ito ay saksakin ng isang parking boy sa paradahan ng isang mall sa Antipolo City naganap, kamakailan.

Kinilala ang nasawing si dating United Movement Against Drugs party-list Representative Teodoro Lim.

Habang naaresto sa hot pursuit operation ng mga otoridad ang suspek na si alyas “Boyet” sa kanyang bahay sa Angono, Rizal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen, mag-alas-2:00 ng hapon ng Nobyembre 17, 2026 sa parking lot sa tabi ng sasakyan ng biktima na nakaparada.

Sa ulat, humihingi umano ng barya ang suspek sa biktima, subalit hindi ito nagbigay at sa halip ay binangga siya ng pinto ng sasakyan kaya sinaksak niya ito.

Tumakas ang suspek at sa pamamagitan ng CCTV ay nasundan kung saan ito nakatira kaya’t ito ay naaresto.

Nakatakdang sampahan ng reklamong robbery with homicide ang suspek dahil pinagnakawan din nito ang biktima. -

Show comments