Romualdez, ililipat sa PGH-Manila

Rep. Martin Romualdez (Leyte) lies in a hospital bed at Cardinal Santos Medical Center as police place him under custody on Sept. 7, 2026, following the Sandiganbayan's issuance of a warrant in a P7.44-billion plunder case.
Philstar.com / Contributed photo

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda, sa pagdinig nitong Biyernes na ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila ngayong Sabado, Setyembre 12.

Ang dahilan ng paglilipat ay upang isasailalim ito sa isang independent medical examination upang mapatunayan ng mga doktor ng PGH ang totoong kalagayan ng kalusugan ng mambabatas matapos siyang ma-confine sa Cardinal Santos Medical Center.

Sinabi ni Third Division Clerk of Court Dennis Pulma na matapos ma-discharge si Romualdez sa Cardinal Santos sa Sabado, ililipat ang kanyang physical location sa PGH hanggang sa may panibagong utos ang korte.

Ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang magdadala kay Romualdez sa UP-PGH gamit ang ambulansya.

Una nang kinuwestiyon ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno ang mungkahi ng Cardiologist ni Romualdez na si Dr. Rody Sy na manatili ang kongresista ng apat hanggang anim na buwan sa ospital.

Ani Moreno, hindi katanggap-tanggap ang naturang panahon ng paghihintay dahil patuloy na nababatikos ang korte sa pagkaantala ng paglipat kay Romualdez sa regular na detention facility.

Si Moreno ay kabilang sa tatlong mahistrado ng Sandi­ganbayan Third Division na dumidinig sa P7.4 bilyong plunder case laban kay Romualdez kaugnay ng umano’y P56 bilyong flood control scandal.

Show comments