Brownout sa Metro Manila, probinsiya inanunsiyo ng Meralco
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Magkakaroon ng brownout sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan bunsod na rin nang nagpapatuloy na maintenance works.

Sa inilabas na abiso ng Meralco, magsisimula ang ilang oras na power interruption ngayong Lunes, Oktubre 21, at magtatagal hanggang sa Linggo, Oktubre 27.

Sa Metro Manila, kabilang sa mga maaapek­tuhan ang ilang lugar sa Maynila, Quezon City at Pasig City, habang apektado rin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Batangas at Cavite City.

Kabilang sa mga maintenance works na isasagawa ay relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng isinasagawang konstruksiyon ng Skyway sa Quirino Avenue, Pandacan, pagpapalit ng mga bulok na poste, pagpapalit ng mga pasilidad, instalasyon ng poste, line reconstruction at reconductoring works, maintenance works sa loob ng NGCP at Meralco substations, at paglalagay ng karagdagang lightning protection devices at iba pa.

 

BROWNOUT METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with