^

Metro

Dental, medical mission ng INC: Klase sa MM suspendido

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Suspendido ang klase ngayon sa 13 lugar sa Metro Manila kasabay ng isasagawang  dental at medical mission ng  Iglesia Ni Cristo (INC) sa iba’t ibang panig ng Maynila na tinawag nilang “Evangelical Mission International Aid to Humanity”. Bahagi pa rin ito ng “Pre-Centennial Celebration” ng kanilang pagkakatatag sa darating na Hulyo 2014.

Kabilang sa walang pasok ang private at public school sa Manila (all levels); Quezon City
; Caloocan; Pasig; Pasay; Makati
; Mandaluyong; Taguig
; Parañaque; Pateros
; San Juan
; Muntinlupa
 at Valenzuela habang may pasok naman sa Marikina; Las Pinas, Malabon at Navotas

Pinaiiwas naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista at maging ang mga mananakay na dumaan sa mga kalsada sa lungsod ng Maynila dahil sa inaasahang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

 Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na inaasahan na higit sa 5,000 bus ang dadagsa sa Maynila habang inaasahan naman ng pamahalaang lungsod ng Maynila na nasa 1.6 milyong miyembro ng INC ang dadagsa.

 Nasa 46 kalsada at interseksyon sa Maynila ang inaasahang maaapektuhan ng naturang programa. Inaasahang pinakamaaapektuhan ay ang Nagtahan, Plaza del Carmen, Lawton, Plaza Avelino, Recto, at Osmeña Highway.

 Nakiusap ang MMDA sa mga motorista at commuters na sa ibang ruta na lamang dumaan pansamantala ngayong Lunes upang hindi mabalahaw sa matinding trapiko.

 Hiniling rin ng MMDA sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na palawigin ang operasyon ng LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) at Line 2 (Santolan-Recto) na kapwa dumaraan sa lungsod ng Maynila para sa mga maaapektuhang pasahero.  Pumayag naman umano ang DOTC.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EVANGELICAL MISSION INTERNATIONAL AID

IGLESIA NI CRISTO

LAS PINAS

MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with