^

Metro

300 miyembro ng Task Force Disiplina ililipat sa mga unit ng DPOS

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ililipat sa iba’t ibang unit ng Department of Public Order and Safety (DPOS),ang nasa 300 miyembro ng binuwag na Task Force Disiplina.

Ito naman ang sinabi ni ni DPOS chief Ret. Gen. Elmo San Diego kasunod ng insidente ng pamamaril ng isang tauhan ng TF Disiplina na ikinasawi ng tatlong binatilyo nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay San Diego, sasailalim sa kaukulang pagsusuri ang mga ito  at  kailangang makapasa sa background check, neuropsychological examination at drug test, at makapagsumite ng NBI at police clearance.

Kasabay nito, nilinaw din ni San Diego na hindi awtorisadong magdala ng baril ang mga ito dahil force multi­pliers lamang sila o katuwang ng mga pulis sa mga operasyon. Hinikayat ni San Diego ang QCitizen na tumawag sa Helpline 122 kung may nakaunipormeng TF Disiplina na patuloy na nagroronda sa inyong barangay.

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with