Suspension ng 72 NFA officials, tinanggal na ng Ombudsman
MANILA, Philippines — Inalis na ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension ng 72 pang warehouse supervisor ng National Food Authority (NFA) na unang inakusahang sangkot sa ilegal na bentahan ng nakaimbak sa NFA warehouse.
Ang 72 warehouse supervisors ay kabilang sa 139 opisyal at empleyado ng NFA na sinuspinde ng 6 na buwan mula noong March 1 dahil sa kasong administratibo na Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service. Kaugnay ito sa pagbenta umano ng NFA rice sa paluging halaga sa rice traders na walang ginawang public bidding.
Ang mga supervisors ay nakatalaga sa mga NFA warehouses sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccskargen,Caraga at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Niliwanag ng Ombudsman na ang pagsuspinde sa naturang mga opisyal ng NFA ay upang hindi maimpluwensiyahan ang ginagawang pag-imbestiga sa naturang anomalya.
- Latest