^

Probinsiya

Pambato ng Cagayan sa ‘Miss U’ nagpositibo sa COVID-19

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Positibo sa COVID-19 ang pambato ng lalawigang ito sa Miss Universe Philippines 2021 beauty pageant, ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) kahapon.

Sinabi ng CPIO na ang kandidatang si ­Gianne Kryssee Tecson Asuncion ay kabilang sa mga nagpositibo sa nasabing virus matapos niyang kumpirmahin sa kanyang Facebook account at ngayo’y nagpapagaling sa isang pagamutan.

“I went silent for days. With the discovery of being COVID positive with pneumonia, I didn’t know how to react. I didn’t know what’s the next that could happen,” pahayag ni Asuncion.

Ayon pa sa 22-anyos na beauty queen mula bayan ng Solana, sa kabila ng pagsubok na kanyang pinagdaraanan sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang kanyang laban para sa Cagayan.

“But you see, this fear of the unknown can’t stop me. It might be hard, but all I know is I will heal. I will get better. Tuloy ang laban,” dagdag ni Asuncion.

Ang pag-amin ni Asuncion ay kasabay ng pagpapalabas ng national beauty pageant association sa top 50 candidates matapos ang “runway and video challenges” nitong Linggo kung saan napabilang siya sa mga napili.

Ang mga hurado ay pipili para sa top 30 candidates na magtatagisan naman para sa coronation night sa Setyembre 25. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with