^

Police Metro

Amok bulagta sa parak!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Amok bulagta sa parak!
Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 12:15 ng madaling araw habang sakay umano ng motorsiklo ang papauwing si PO1 Verzosa nang biglang atakihin siya ng saksak ni Lee pagsapit nito sa may J. Fajardo St. kanto ng Miguelin St., Sampaloc.
File

Naburyong, umatake ng saksak

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang lalaking lasing na may pinagdadaanang problema matapos na pagbabarilin ng isang pulis na kanyang pinagdiskitahang pagsasaksakin sanhi ng malubhang pagkasugat ng huli sa Sampaloc, Maynila,  kahapon ng madaling araw.

Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital ang suspek na si Reynaldo Lee Jr., 34, binata, part-time driver at electrician at residente ng 1775 J. Fajar­do st., Sampaloc, dahil sa mga tinamong bala sa  katawan.

Sa kabila ng tinamong mga sugat sa katawan, sumuko sa mga kapwa pulis ang nakapatay na si PO1 Gester Verzosa, 30, binata, nakatalaga sa Intelligence Section ng Manila Police District -Station 7.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 12:15 ng madaling araw habang sakay umano ng motorsiklo ang papauwing si PO1 Verzosa nang biglang atakihin siya ng saksak ni Lee pagsapit nito sa may J. Fajardo St. kanto ng Miguelin St., Sampaloc.

Dahil dito, mabilis na bumaba sa motorsiklo ang pulis at hinarap ang suspek upang dumepensa subalit patuloy pa rin umano ang pagsugod at pagsaksak sa kanya ni Lee.

Nagtamo ng mga saksak sa dibdib ang bagitong pulis pero sa kabila nito ay nagawa pa rin niyang magpaputok at mapabulagta ang suspek.

Dahil sa komosyon, naagaw ang atensiyon ng mga kagawad ng Lacson Police Community Precint, sa pangunguna ni SPO1 Rodolfo Mirasol na nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), at doon na sumuko ang duguang si PO1 Verzosa pero mabilis siyang itinakbo sa Ospital ng Sampaloc bunsod ng tinamong mga saksak sa dibdib.

Nabatid na si Lee ay nakipag-inuman sa mga kaibigan at dating ele­mentary classmate at galing din umano siya sa pakikipagtalo sa ina na naging dahilan ng hinihinalang pagwawala nito.

vuukle comment

PULIS

REYNALDO LEE JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with