Globe, UDM at T.I.P., nagkaroon ng cybersecurity workshop

MANILA, Philippines — Pinagtipon ng Globe ang Unibersidad de Manila (UDM) at ang Technological Institute of the Philippines (T.I.P.) Manila upang isulong ang kaligtasan ng mga estudyante sa internet sa pamamagitan ng Digital Thumbprint Program (DTP).
Bumisita si Globe President at CEO Carl Cruz sa UDM upang saksihan ang patuloy na pagpapalawak ng edukasyon sa digital citizenship ng kumpanya sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa academic community.
Naghatid din ang Globe ng edukasyon sa cybersecurity para sa mga estudyante at guro na lampas sa loob ng silid-aralan, upang mabigyan ang mga kabataang Pilipino ng kaalaman, kasanayan at pagpapahalagang kailangan upang maging responsableng digital citizens at mga tagapagtaguyod ng mas ligtas na online community.
Mahigit 200 freshmen students ng UDM ang lumahok sa isang cybersecurity workshop na pinangunahan ng mga trained student DTP ambassadors mula sa T.I.P. Manila. Tinalakay sa sesyon ang mga cyber threat, online privacy, proteksyon ng digital identity at responsableng pag-uugali sa internet.
Dahil dito nagiging abot-kamay ang edukasyon tungkol sa digital safety. Pinagsasama ng inisyatibang ito ang kadalubhasaan ng Globe sa digital citizenship, ang dedikasyon ng UDM sa pagpapaunlad ng mga estudyante, at ang student ambassador program ng T.I.P. Manila upang mahikayat ang mga estudyante na maging mga tagapagtaguyod ng responsableng paggamit ng teknolohiya sa kanilang mga paaralan at komunidad.
- Latest






















