Matteo, nagparamdam kay Raymond!

Pa-comment-comment na lang si Matteo Guidicelli sa post ni Raymond Gutierrez.
May reel video si Raymond ng kanyang ganap bago pumunta sa studio ng Agenda sa Bilyonaryo News Channel (BNC) kung saan nga anchor na rin si Raymond with Korina Sanchez, Pinky Webb and Willard Cheng.
Shared din ang nasabing post ni Raymond ng account ng BNC.
Ang daming nag-comment sa post na ‘yun ni Raymond at kabilang nga si Matteo: “Awesome bro! (with fire emoji)”
Biglang nawala si Matteo sa nasabing programa dahil diumano sa paggi-guest nito sa TV5 news program na walang heads-up sa BNC.
Si Raymond, ayon naman sa insider ng BNC, ay 2024 pa sana sasalang sa Agenda pero na-busy raw ito kaya ngayon lang natuloy.
Ang ganda ng exposure ni Raymond sa news program at tuwang-tuwa ang kanyang family and friends na napapanood na ulit siya sa TV.
- Latest





















