^

PSN Showbiz

Miguel, handang maghubad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miguel, handang maghubad!
Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

Inilunsad si Miguel Tanfelix bilang pinakabagong mukha ng Be Juan Tama campaign ng GMA Network. Nakasama ng inyong lingkod sina Dingdong Dantes at Chris Tiu nang simulan ang naturang kampanya ng Kapuso network noong isang taon.

“Medyo may pressure siya na kailangan maging conscious sa lahat ng gagawin mo dahil maraming tumitingin sa iyo ngayon. Tinitingala ka ng mga Kabataan, pero bilang mamamayan, ito ‘yung campaign na gusto kong sundan dahil ito ‘yung pumipili kung ano ang tamang programa na ipapanood natin sa kabataan ngayon. So, it’s an awareness para sa mga mas tamang show na pinapalabas dito sa Pilipinas,” paglalahad sa amin ni Miguel sa Fast Talk with Boy Abunda.

Simula naman sa May 2 ay mapapanood na Planet XP kung saan ay host si Miguel. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging TV host ang Kapuso actor. “Ginawa namin ‘tong show na ‘to para magbigay awareness sa mga bata and sa mga magulang nila to reconnect with nature. Meron kaming five episodes sa buong Mayo. May pupuntahan kaming iba’t ibang communities dito sa Pilipinas. Actually, Luzon pa lang po ‘to. Nagpunta kaming Norzagaray, Bulacan, Cavinti, Laguna, Tarlac. So ang dami naming activities na gagawin. May mga adventure.

“Kung anu-anong pagkain kakainin namin. So basically, aalamin ko paano mamuhay ang isang community sa isang lugar na ‘yon. Very immersive ang show na ‘to para sa mga bata. Kaya ang title niya Planet XP kasi experience points,” pagdedetalye ng binata.

Isa si Miguel sa mga pinakaguwapong aktor sa GMA. Normal na umano para sa binata na mayroong lumalapit na tukso sa kanya. “Normal naman po na may tukso sa mundo. So nasa sa iyo na ‘yon kung papansinin mo. Minsan dasal, ganyan, ‘di ba? Kasi tukso, gawa ng ano (devil) ‘yan. Kailangan mong kumapit, kailangan mong magdasal. Saka lagi mong tatanungin, ano ba talaga ‘yung values mo as a person. Parang gagawin ba ito ng isang taong katulad ko?” paglalahad niya.

Tatlong taon nang magkasintahan sina Miguel at Ysabel Ortega. Ayon sa Kapuso actor ay napag-uusapan na nila ng dalaga ang tungkol sa kasal at kanilang kinabukasan. “Very stable kami ngayon, Tito Boy. We’re very happy. Ako, sobrang love ko si Ysabel. Sa amin kasi mas pinapayaman pa ‘yung sariling karanasan. Mas pinapa-mature pa namin ‘yung isa’t isa bago kami mag-step forward. Kasi naniniwala kami na dapat buo kaming dalawa bago pumasok (sa pag-aasawa). Napag-uusapan namin ang future. Kung ano ang mga plano sa future. Anong age planong magpakasal? Ang sinasagot ko, early 30s. Matagal-tagal pa, Tito Boy, marami pa kaming kailangang gawin,” pagtatapat ng aktor.

Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataong magpaseksi sa proyekto ay posible itong tanggapin ni Miguel. Hindi bukas sa posibilidad ang binata na gumawa ng frontal nudity sa isang pelikula. “Frontal talaga, Tito Boy? Hindi ko alam kung ready ang Pilipinas sa ganyang mga materyal, ha-ha-ha! Depende pa rin sa materyal eh, kung gaano siya kaimportante. Minsan baka ‘yung eksena kailangan lang maghubad. Kailangan may sense kung bakit. Bakit kailangang magpa-sexy? Bakit kailangang maging daring?” paliwanag ng Kapuso actor. — Reports from JCC

MIGUEL TANFELIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with