^

PSN Showbiz

Ang sexy actor sa senakulo

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nasa high school pa lang noon si Apollo Mitero nang makahiligan na nya ang pagsusulat ng mga kwento. (kwentong barbero ba ito?!)

Ilan sa mga ito ay naitanghal pa sa mga school plays kung saan minsan isa rin sya sa mga umarte sa entablado. (ay may pag-arte ang koya mo!)

“Bata palang talaga ako, malikot na isip ko.

Gusto kong sinusulat ‘yung mga naiisip kong kwento.

Nagsimula ako sa may pagka-historical. Kaya naipapalabas sya sa mga play sa schools,“ pagbabahagi ni Apollo (pang DepED ang atake mo, bro!)

Computer Science ang kinuha nya sa kolehiyo, pero tuloy pa rin sya sa pagsusulat at naging aktibo sa pagiging theater actor.

“Gumanap ako ng iba’t ibang roles sa teatro, mga karakter na pwedeng panoorin ng mga bata at mga estudyante.

Ganun naging linya ko.” (dinaig si Kuya Bodjie ng Batibot ha!)

Naiba lang ang takbo ng buhay nya nang may magsabi sa kanya na subukan ang pagiging isang male escort. (ay biglaan ang career shift ha!)

“May nag-invite sa’kin na sumali sa isang escort service agency.

Nag-training kami ng ilang months for self defense kasi syempre minsan para kaming mga bodyguard sa client. Tinuruan din kami na huwag mandiri sa clients.

May training din para dun,” paglalahad ni Apollo. (huwag mandiri sa clients?! Bakit may amoy?! Nakakaloka!)

Tatlong taon nyang ginawa ito hanggang sa magdesisyon siyang iwan ito at bumalik sa pagsusulat.

Pero kung dati pang eskwela ang kanyang mga kwento, ngayon ay naging pang-parental guidance na. May mga naisulat na sya para sa adult streaming app na TbonX.

Naging aktor na rin sya sa ilang series dito at sumabak na rin sa ilang indie films. (ay so ‘di na wholesome ang image?!)

“Naging pa-sexy na ‘yung roles.

Nagpapakita na rin ng ilang bahagi ng katawan.

Wala naman malice ‘yun, kasi trabaho yun. Kasi art ‘yun,” pagpapaliwanag ni Apollo. (ay ‘di na-enumerate kung anu anong bahagi!)

Sa kanyang guest appearance sa aming youtube channel na WTFu, binanggit 32-anyos na binata na sa unang pagkakataon ay nag-commit siyang gumanap na Poncio Pilato sa Senakulo ngayon darating na Semana Santa.

“Gusto kong subukan. Kahit walang bayad.

Iniisip ko na maging panata ito tulad ng ginagawa ng iba. “ (iba rin talaga mga shifting ni kuya. Ambilis ng pacing!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

NAKNGFU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with