^

PSN Showbiz

Ashley, kinaiinisan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ashley, kinaiinisan!

Kapansin-pansin ang bagong karakter na ginagampanan ngayon ni Ashley Ortega sa Apoy sa Dugo bilang si Angel. Ayon sa mga manonood ay talagang magaling gumanap bilang kontrabida ang Kapuso actress. Pinangungunahan nina Ashley, Elle Villanueva at Derrick Monasterio ang naturang serye.  “From the presentation na shooting down pa lang papunta sa face is something cinematic talaga. So happy ako sa introduction ng character ko,” nakangiting pahayag ni Ashley sa 24 Oras.

Masayang-masaya ang dalaga dahil nagampanan nang maayos ang trabaho sa bagong GMA Afternoon Prime series. Lubos ang pasasalamat ni Ashley na kahit kinaiinisan na ngayon ay napansin ng mga manonood ang kanyang epektibong pagganap. “’Yung goal ko talaga, kahit wala pa akong lines, parang alam na ng tao ‘yung aura and vibes ni Angel,” paglalahad ng aktres.

Princess, hindi kayang i-give up ang pagiging nurse

Matagal nang sa Amerika nakabase si Princess Punzalan. Tinalikuran ng aktres ang pagiging artista sa Pilipinas dahil sa kagustuhan ng asawang Amerikano. “Kasi ‘yung asawa ko Amerikano, sabi ko sa kanya, pwede bang dito na lang tayo sa Pilipinas? Sabi niya, hindi. Sabi niya mas marami siyang opportunities daw sa Amerika. So okay, ako ‘yung pumunta,” bungad ni Princess YouTube channel ni Luchi Cruz-Valdez.

Hindi ipinagpatuloy ng aktres ang showbiz career sa Amerika sa ilang kadahilanan. Kailangan umanong magbiyahe nang madalas ni Princess upang maging isang aktres sa U.S. “Self-sufficient ako no’n sa Pilipinas. Hindi ako sanay na umaasa, gusto kong nagtatrabaho ako. Pero pagdating ko ng Amerika, sabi niya, gusto mo bang mag-artista? Tapos sabi ko parang hindi ko kayang gawing maging artista sa Amerika. Kasi nasa Michigan kami nakatira noon, sabi ko kailangan kong lumipad sa California nang madalas or sa New York para maging artista. Hindi yata magandang pundasyon sa ating marriage kung lagi akong wala,” pagdedetalye niya.

Naisipan ni Princess na mag-aral muli ng kolehiyo sa Amerika. Kahit natagalan ay sinikap ng aktres na makapagtapos sa loob ng anim na taon. Ngayon ay isa nang registered nurse si Princess at nagtatrabaho sa isang ospital. “Palipat-lipat kami ng state naiba-iba ‘yung requirements for nursing school. Napahaba ‘yung aking pag-aaral. Kasi lahat ng aking pinag-aralan sa college, wala. Obsolete na ‘yung mga 80s na mga subject. Salamat sa Diyos isang beses ko lang siya (board examination) na-take, pasado agad. I work every day, Monday to Friday. Bago pa lang sumikat ang araw nando’n na ako sa trabaho. Uuwi ako mga palubog na ang araw. So busy talaga,” pagbabahagi ni Princess.

(Reports from JCC)

ASHLEY ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with