^

PSN Showbiz

Marjorie at Greta, ‘di nagkaayos?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marjorie at Greta, ‘di nagkaayos?!
Marjorie Barretto.
STAR/ File

Sunud-sunod ang post ni Claudine Barretto sa wake ng kanilang Mommy Inday.

Totoo naman ang mga sinabi niya na ‘united’ ang kanilang pamilya para sa ina.

Dumalaw si Gretchen Barretto at kasama pa niya si Tonyboy Cojuangco.

Pero wala na si Marjorie, si Claudine at isa pa nilang kapatid ang andun lang, si JJ.

Mahigpit ang yakapan nina Gretchen at Claudine habang nakamasid sa inang nakahimlay.

Maaalalang matagal din ang naging ‘away’ ng kanilang pamilya na nag-umpisa noong 2013.

Pero sa lamay ng kanyang amang si Miguel Barretto noong 2019 sinalubong si Gretchen ng kanyang ina na si Inday ng isang mahaba at mahigpit na yakap.

Bagama’t sa nasabing wake rin lumala naman ang away nina Marjorie at Gretchen na pati si former Pres. Duterte ay sinubukang pag-ayusin ang dalawa.

Anyway, sa huling interview ni Mommy Inday Barretto kay Ogie Diaz ay sinabi nitong ipapaubaya na niya sa Diyos ang pagkakaayos ng kanyang mga anak.

“I don’t want my children to be together just that they do not be against to each other kasi dugo is dugo.

“I don’t want them to heal kasi hypocrisy ‘yung tawag d’yan. Wala, e. May kanya-kanya, ‘di ko alam... I leave it to God. Maybe until something like that happens to one of their family, the one’s who’s itong isa peaceful trying ‘yung isa ‘to nagpapaaway. Wala na sa akin ‘yan I did not do anything.”

Last night na raw kagabi ng wake ng Barretto matriach.

CLAUDINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with