Heaven, natalbugan si Janella!

Single na muli ang Viva actress na si Heaven Peralejo matapos nitong aminin last July na hiwalay na sila ng kanyang nobyong Fil-Italian actor na si Marco Gallo.
Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay (which was their mutual decision) ay nanatili umano silang magkaibigan hanggang ngayon. Kaya hindi magiging mahirap sa kanilang dalawa kung muli silang magkatrabaho sa isang proyekto in the future.
Dalawa ang bagong leading men ni Heaven sa mag-uumpisang serye ng Viva One, ang TV adaptation ng hit wattpad series of the same title, ang I Love You Since 1892 sa magkaibang panahon na sina Jerome Ponce at Joseph Marco.
Isa itong historical romance on wattpad na sinulat ni Bb. Mia, who was 19 years old at that time and that was four years ago.
The book novel had Janella Salvador and Marlo Mortel on the cover kaya marami ang nag-aakala na ang dalawa ang magbibida nito sa serye. Ang nasabing material ay nabili ng Viva at sina Heaven, Jerome at Joseph ang napiling mga pangunahing bida sa serye na pinamamahalaan ng award-winning director na si Mac Alejandre which will premiere on Sept. 6, 2025 on Viva One.
Bukod sa tatlong pangunahing bida, tampok din sa I Love You Since 1892 sina Christian Vasquez, Maricel Morales, Louise de Los Reyes at Anna Luna (sa Montecarlos family).
Sa Alfonso Family naman ay kasama sina Soliman Cruz, Andrea del Rosario, Billy Jake Cortez, Ashley Diaz at Gabriel Evangelista.
Kasama naman sa Flores Family sina Christopher Roxas, Christine Bermas, Liz Gonzales habang si Suzette Ranillo naman ang mysterious nun na nagsilbing guide sa nakaraan ni Carmela (Heaven).
Tulad ng mga naunang serye ng Viva One na kanilang sinimulan sa university series na The Rain in España na pinagtambalan nina Heaven at Marco Gallo at iba pang sumunod na hit series, marami ang naniniwala na isa na namang bagong hit offering ang I Love You Since 1982.
Naiwang alaala ni Rico kay Maris, palabas pa
Hindi pa break sina Maris Racal at Rico Blanco nang gawin ng Kapamilya singer-actress ang pelikulang pinag-uusapan ng marami, ang Sunshine na pinamahalaan ni Direk Antoinette Jadaone.
Kung hindi kami nagkakamali, it was sometime in July 2024 nang mapabalitang hiwalay na ang dalawa.
It was on Sept. 13, 2024 nang mag-premiere ang pelikulang Sunshine at the 2024 Toronto International Film Festival na sinundan ng European premiere nito lamang Feb. 18 sa 75th Berlin International Film Festival bilang bahagi ng Generation 14plus category kung saan nakuha ng pelikula ang The Crystal Bear Award na ibinibigay sa Best Feature Film of the Generation Kplus and Generation 14plus competition.
Dahil sa magagandang reviews ng pelikula, nag-hit ito nang ito’y ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas since July 23, 2025.
Samantala, kasalukuyang nagpapagaling si Maris na kamakailan lamang sumailalaim ng appendectomy to remove her appendix.
When she’s up and about ay may sunud-sunod siyang mga proyektong sisimulan.
Walang alinlangan na ang taong 2024 at 2025 ay taon ni Maris sa kabila ng kanyang pinagdaanang malaking kontrobersiya na may kinalaman sa kanila ng kanyang Sosyal Climbers and Incognito co-star na si Anthony Jennings pero ito’y nalagpasan niya with flying colors.
- Latest
























