AZ: ‘sobrang happy ko na walang tulog’

Bago pa man maging isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si AZ Martinez at kasintahang si Larkin Castor. Hindi umano pabor ang binata sa pagpasok ng aktres sa naturang reality show. Nakalabas si AZ mula sa bahay ni Kuya pagkalipas ng halos apat na buwan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nakakausap ng dalaga si Larkin. “When I got out of the house, I haven’t been in contact with him. Hindi na po kami nag-usap and right now focus talaga on what’s ahead of me. But I wish him all the best talaga,’" nakangiting pahayag sa amin ni AZ sa Fast Talk with Boy Abunda.
Matatandaang nagpadala pa ng liham si Larkin sa aktres habang nasa loob pa ng PBB house. Umasa rin ang binata na agad silang magkakausap AZ pagkatapos ng reality program. “Kung gusto niya pa rin maghintay Kuya, that’s his choice na. Pero ayoko na po siya kontrolin. Ayoko na siya pilitin. Ayoko na siya habulin or guluhin pa Kuya. Kasi alam ko mas masasaktan, mas masisira lang siya if I leave him hanging,” sabi ni AZ kay Kuya noon habang nasa confession room ng PBB house.
Sa ngayon ay hindi pa nakahandang harapin at kausapin ng dalaga si Larkin. “Honestly Tito Boy, as of now, I’m not ready yet to talk. I wanna focus muna on… like I’m not ready to talk to him, but I wanna focus more on myself and career,” giit ng aktres.
Naugnay sina AZ at Ralph de Leon habang nasa loob pa ng bahay ni Kuya. Napansin ng mga manonood ang pagiging sweet ng dalawang housemates kamakailan. “Ever since boys’ night out sa loob ng bahay ni kuya, he cleared up everything to me, clarified everything and he’s been really honest and straightforward of how he feels and thinks. And I appreciate that about him. So wala talaga. I’m not sure kung tatawagin kong like (nagkagusto kay Ralph) pero there were moments na kinilig din ako sa kanya. I admire him for how he is,” pagtatapat ng dalaga.
Lubos ang pasasalamat ng aktres dahil sumikat na pagkatapos ng naturang edisyon ng PBB. Kilala na raw si AZ kahit saan siya magpunta ngayon. “Ako po sobrang nagugulat, up until now. People are like shouting me whenever I’m outside. ‘AZ, pa-picture!’ May nagpapa-picture sa akin, before hindi po talaga ako masyadong kilala. As in, I was no one. I wouldn’t consider myself as celebrity. Even no’ng nasa loob kami ng bahay kinukwento ko kay River. I felt like hindi ako makakapasok ng PBB no’n. Kasi I don’t consider myself as a celebrity,” kwento ng aktes.
“Pinaka-memorable ko was during Big Night talaga. When we stepped out the stage, grabe ang daming LED signs, ang daming posters, banners, mga mukha ko nando’n, naka-print out na malaki. Kinukwento ko lang kay River na sana may LED signs tayo, mga gano’n. Then we saw it, the cheers were so loud no’ng lumabas kami no’ng Big Night. Grabe, sobra, that was like the highlight of my life,” dagdag pa ni AZ.
Kabi-kabila man ang trabaho ngayon ay talagang nai-enjoy naman daw ito ni AZ. Masaya ang Kapuso actress dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “Sobrang happy ko na wala akong tulog, na everyday tuluy-tuloy ‘yung ganap. Kasi before coming in to PBB, lagi na lang akong naghihintay for something. I’ve always been waiting for work, nakaabang ako. But now, tuluy-tuloy siya, kaya sobrang laking blessing niya. Sobrang happy ko, hindi ako napapagod. Actually nae-excite ako kapag may work, kapag may biglang papasok, biglang ganap. Kahit tatlong events ang mangyayari in a day, sunud-sunod, sobrang happy ako. Kasi it’s finally coming true ‘yung pangarap ko, ‘yung mga hinihintay ko. It’s a blessing and I know it comes with great responsibility. There’s pressure, expectation, pero sobrang happy ako with what’s happening,” pagdedetalye ng Kapuso actress — Reports from JCC
- Latest



















