RS, ayaw makisawsaw sa SOGIE Bill

Nagbigay ng kanya-kanyang opinyon ang ilang kilalang miyembro ng LGBTQIA tungkol sa binubuhay na isyu ng SOGIE bill.
Katatapos lang ng Pride march kaya naungkat ito lalo na’t nagbigay ng sariling saloobin sina Ricky Reyes at Renee Salud sa interview sa kanila ni Toni Gonzaga, tungkol dito sa isinususog ni Sen. Risa Hontiveros na SOGIE bill.
Sabi ni Ricky Reyes, “Ako rin ang nagpatigil ng SOGIE bill. Nung sinabi ko, maski anong gawin n’yo sa mga bakla, bakla pa rin ‘yan. Gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger, walang pagbabago.”
Ang pananaw naman ni Mama Renee, “Sige bigyan ng karapatan. Bigyan ng puwang sila sa lipunan, kaso lamang the problem with some gays, they asked for too much. Masyadong entitled.”
Medyo harsh ang reaksyon ng ibang grupo ng kabadingan, na tinawag pa ni Atty. Vince Tañada sina Ricky at Renee na “t--ga!”
Kaya hiningan ko rin ng pananaw ang ibang kilalang bading na talagang nakikipaglaban sa karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA.
Isa rito si direk Joel Lamangan na nilinaw ang pahayag ng dalawa.
Para sa kanya, puwede naman daw magkaroon ng union ang parehong kasarian pero hindi raw puwede ‘yun dahil hindi pa ‘yan talaga tanggap.
Hiningan din namin ng reaksyon diyan si RS Francisco nang makatsikahan namin sa nakaraang Nominees Announcement ng Eddys Awards na ginanap sa kanyang Rampa Club noong nakaraang Martes.
Lahat naman daw ay may karapatang magbigay ng sarili nilang opinyon, pero mas mabuting manahimik na lang daw siya. “Kaya nowadays medyo ano na rin talaga e…you have to be a little bit lenient and little bit more understanding what people believed in.
“Talagang ang sa akin lang, kung ganyan po ang naramdaman niyo, okay that’s your right. Kung ganyan din ang nararamdaman ni Meme Vice, okay that’s her right. Kung ganito rin ang naramdaman ko na I just preferred to keep quiet, bahala kayo kung ganun ang ano n’yo. Ganun lang din ako. Ayoko mag-take ng stand sa mga ganyan.”
Max, pinanerbyos ang ‘inaanak’!
Doon din sa 8th Eddys Announcement of Nominees ay aliw na aliw si Max Eigenmann na pag-usapan nag vertical comedy/drama na ginawa niya sa VinCentiments ni direk Darryl Yap.
Ninang ang title ng seryeng ito na napapanood sa Facebook at ilang online sites. Kagabi ang third episode na talagang nakakaaliw ang kuwento tungkol sa isang matured na babaeng inakit ng 22-year-old na inaanak niya. Ginampanan ito ng model/actor na si Redd Arcega.
‘Yung first episode ay umabot na ng 10M views at halos 20M views naman ang second episode.
First time pa lang daw umarte ni Max sa isang vertical series at okay naman daw sa kanya. Hindi raw siya ng nagkaroon ng apprehension sa proyektong ito. “Not at all. Kasi at the end of the day, I’m an actor, ‘di ba? So what makes me feel like… I’m doing my job well, is when I accept characters that I haven’t done before.
“So this is my first ever vertical series, and it’s also my first time to lead a comedy series. And ‘yun, I’d like to think of myself as an out-of-the-box actress so…” pakli ni Max.
Naiintindihan daw niya kung mataranta si Redd sa mga eksena nila sa seryeng ito, kasi siya nga ay ganun din daw. “Siyempre, as a young actor, kahit naman ako, ninenerbiyos. Kasi the premise of the series is something I haven’t done. So kung ako, ninenerbiyos — I can’t speak for him — pero sure, pati siya,” komento ng premyadong aktres.
Nakausap din namin si Redd sa programa namin sa DZRH nung Martes, at talagang kinabahan daw siya nung una. “Nung natanggap ko po ‘yung first script, kinabahan po talaga ako. Ramdam ko po ‘yung pressure, tapos unang acting stint ko po, tapos at the same time isa po ako sa lead.
“Pressure po andun e, tapos si Ms. Maxene siyempre, may award po, best actress ‘di ba?” pakli pa ni Redd.
Ang isa lang daw sa magandang nangyari sa career niya bilang artista ay dumami na ang followers niya sa social media. Ang daming na-curious sa kanya at nagkaroon na siya ng fans. Ang lakas kasi ng dating niya sa vertical series na ‘yun.
- Latest

























