^

PSN Showbiz

Bitoy at pamilya priority ang pagta-travel, may payo sa mga bakasyunista

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bitoy at pamilya priority ang pagta-travel, may payo sa mga bakasyunista
Bitoy' Extreame adventures

Mahalaga para sa Kapuso Comedy Genius na si Michael V. o Bitoy ang pagta-travel kasama ang kanyang pamilya. At binigyang-diin niya ito nang maging guest siya sa programang Amazing Earth.

Hindi raw mawawala ang mga memories na nakukuha sa pag-travel kahit pa tumanda na ang mga bata dahil hanggang ngayon ay naaalala at napag-uusapan pa rin nila.

Iba pa rin talaga ang feeling na makasama ang pamilya sa mga bakasyon at hindi rin lahat ay nagagawa iyon nang madalas. Lalo na sa gaya niya na madalas busy sa kanyang trabaho kaya sinusulit ang mga pagkakataon kapag may libreng oras siya para makasama ang pamilya.

Hindi raw mapapantayan ng anumang bagay ang bonding nila ng kanilang pamilya sa tuwing sumasabak sila sa mga adventure. Iyon daw ang pinakamasarap na pakiramdam na hindi naibibigay ng mga materyal na bagay.

Hilig daw talaga ng pamilya nila ang mga adventure at marami na rin siyang napuntahan gaya ng Japan, California, New Zealand at iba pa at nasubukan na rin ang extreme adventures gaya ng snow rafting, dog sledding, at jet ride.

Likas na adventurous pala talaga ang kanyang pamilya at kung may babalikan daw sila, ito ay ang Switzerland at Utah dahil maraming hiking trails doon.

Pero nag-iwan siya ng mensahe sa mga sumasabak o sasabak sa extreme adventures.

Kung gagawa man daw ng mga ganoong klaseng adventure, at kung desidido na, dapat mag-commit ng 100 percent. Huwag ding kakalimutan ang safety.

Iyon daw ang laging iisipin. Kung hindi raw safe ang gagawin, huwag na itong ituloy.

Siguradong marami ang naka-relate sa actor-comedian lalo na ngayong summer na siguradong marami ang may planong bakasyon.

vuukle comment

ACTOR

MICHAEL V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with