^

PSN Showbiz

Claudine laging bitbit ang apat na anak, may apela na baguhinang ‘adopted’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Claudine laging bitbit ang apat na anak, may apela na baguhinang �adopted�
Claudine Barretto at mga anak
STAR/File

Bitbit ni Claudine Barretto ang apat niyang anak nang dumalo ito sa media conference ng pelikulang When Magic Hurts na maglulunsad sa tambalan nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas ng Star Magic.

Ginanap ang mediacon ng naturang pelikula sa Super Sam nung Miyerkules ng hapon at halos nakasabay namin si Claudine na dumating kasama ang mga anak niyang sina Santino, Sabina, Aryanna at Noah.

Sabi ni Claudine, ang gusto raw niya ay lagi niyang kasama ang mga ito kahit saan siya magpunta.

‘Yun lang daw ang ipinagmamalaki ni Claudine na kahit ano pa ang mga isyung isinasangkot siya, hindi raw puwedeng kuwestiyunin ang kanyang pagiging ina. “Hindi ko sinasabing sobra akong mabuting ina. But, tinatanong ko sa mga anak ko all the time na… suwerte ko kasi may teenagers ako at may younger kids ako. Ang pagsisisi ko is that, ang bilis pala talaga ng oras na… ang bilis ng oras, ang bilis nilang lumaki, na may college na ako, may 16 year old na rin ako, tapos may 7 ako, may 5 years old ako na anak.

“’Yun na nga, kagaya ng sinabi ko, meron man akong pinakamalaking award sa buhay, ‘yung mga anak ko,” sabi pa ni Claudine.

Sa apat na anak ni Claudine, si Santino lang ang totoo niyang anak kay Raymart Santiago.

Hindi naman niya inililihim na inampon niya ang tatlo niyang anak.

Meron lang daw sana siyang gustong iparating sa ating mga mambabatas pagdating sa mga adopted children. “Ito na rin ang pagkakataon ko na humingi ako ng tulong na sa na magkaroon ng law, ‘yung Sabina’s law about adoption and adopted kids.

“Kasi, even if it’s true, hindi magandang pakinggan ‘yung adopted, ‘yung ampon.

“Kasi ginagawang joke e. Pero kapag anak ka sa labas, hindi naman sinasabi ‘o ‘yan anak ‘yan sa labas. Pero ‘yung sinasabi, ‘yan adopted ‘yan.

“May nakita nga ako parang sa TikTok pa… bata na nagsabi na napaiyak niya ‘yung kapatid niya, sinabi, I don’t know… 5 years old, 3 years old na sinabi niyang, ‘ampon ka lang. And I really got offended. Na ‘yun nga inaano ko, na sinabi ko kay direk at sa lahat na merong mga ‘chosen.’

“Dapat kasi, ang special children, hindi sila tinatawag na na autistic, because they’re very special.

“So, sana mapalitan ‘yung adopted sa ‘chosen.’”

Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang When Magic Hurts very soon.

Showtime, nagwagi sa TVJ at TAPE

Totoo kayang may ilang Kapuso stars na hindi masaya sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA 7?

Hindi ko lang nagalugad nang husto ang social media, pero sinabi na rin sa akin ng ilang kaibigan na kapansin-pansin ang ‘di pag-post ng ilang kilalang Kapuso stars na wine-welcome nila ang buong taga-It’s Showtime sa Kapuso network.

Kahit nga raw mag-like ay hindi nila ginagawa.

Hindi ko lang tiyak kung mga taga-Tahanang Pinakamasaya ang mga ito.

Wala raw ba silang kumpiyansa sa artists ng Sparkle at hindi sila ang binigyan ng noontime show para itapat sa Eat Bulaga sa TV5 at It’s Showtime?

Ang nakita lang naming nag-welcome sa It’s Showtime ay si Kim Atienza na naging bahagi dati ng naturang noontime show nila Vice Ganda.

May ipinost ding wine-welcome sila ni Atom Araullo na dating Kapamilya.

Napapag-usapan nga naming mga nasa press, ang ending pala ng sigalot ng TVJ ng Eat Bulaga at TAPE, Inc. ay ang It’s Showtime ang panalo.

Ang buong akala namin nang nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN 2 nawala na ang mga magagandang Kapamilya shows at pati na rin ang mga kilala nilang artista.

‘Di ba sinabi pa noon ni Pastor Quiboloy na mawawala ang istasyon nila pati ang programa ni Vice Ganda. Pero iba na ang nangyayari ngayon. Hindi na nagpapakita si Pastor Quiboloy.

Ang daming pinagdaanan ng It’s Showtime sa loob ng 15 years, at hindi mo akalaing sila pala ang panalo sa dulo ng mainit na isyu ng Eat Bulaga at TAPE, Inc.

Pero sa totoo lang, umariba na sa ratings ang mga pelikulang ipinapantapat ng GMA sa Eat Bulaga at It’s Showtime.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with