Sitcom ng pamilya Muhlach at magbilas na Maine at Zanjoe, umpisa na!
Ang saya ng TV! Buhay na buhay! Nag-trade launch ang TV5 – at dalawang sitcom ang e-expect natin!
Ano kaya ang mas aabangan ng publiko – ang PERS FAMILY with the Muhlachs or ‘yung bagong sitcom ng magbilas na sina Maine Mendoza at Zanjoe Marudo?
Speaking of sitcoms, sa GMA, nakatapos na ng one season taping ng sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera; at nandyan din ang sitcom ni Senator Bong Revilla, kailan kaya mangyayari ang sitcom nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz?
Exciting kung matutuloy talaga ito!
Moira, lutang ang kaseksihan!
Isang sexy at payat na Moira dela Torre ang bumungad sa atin nang ipakilala siya bilang bagong endorser ng BonaSlim.
Ang tanong, sa BonaSlim ba siya naging payat? O may iba pang salamat po Doc interventions tulad ng Belo and other products?
O todo workout siguro!
Basta magkaibang categories, ok ‘yan!
Women Empowerment has become Moira!
Teka, kumusta na pala ang ex-husband niyang si Jason Hernandez?
Kathryn, kabogera sa photo album sa Guadalupe, Sarah at Daniel nawala
Grabe pala ang photo album ni Kathryn Bernardo sa Guadalupe?
Last month may isa pang panel ng billboard na may K-pop star at Daniel Padilla, ngayon puro siya na lang ang limang panels.
Partida, may TV show ba siyang gagawin? Kahit wala pa, kapit na kapit siya sa brand at sa mga consume!
Ang sagot ng isang Popster, wala na si Sarah G sa EDSA-Guadalupe? Anyare?
Direk Lav, nagbabasag sa kanyang music act!
Enjoy ang mga tao sa party ng National Artist Ricky Lee.
At naganap nga ang performance ng bandang The Brockas kasama ang premyadong direktor na si Lav Diaz.
At ang tanong ng first time na nakapanood kay Direk Lav, “kasama ba talaga ang pagbabasag ng something sa music act ni Direk? Parang pelikula lang niya ha, kakaiba?!”
Pagpag… nina Jerald at Nicco, nganga rin sa takilya!
Nag-showing kahapon ang pelikulang Pagpag 24/7 nina Jerald Napoles at Nicco Manalo, kumusta ang pelikula? Ok naman at may moments na nakakatawa sa horror-comedy movie na ito.
Pero ang tanong, kumita ba ito sa kanyang first day?
Ang sagot – kailangan pa bang i-memorize ‘yun?
Nakakata-quote:
“Tara na, magsanib-puwersa na tayo, para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaking hamon.” – Vice Ganda
- Latest