^

PSN Showbiz

Ang pag-Sparkle ni Sandro

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Sandro Muhlach na nagselos siya noon sa nakakabatang kapatid na si Alonzo nung una itong sumabak sa showbiz at sumunod sa yapak ng kanilang ama na si Niño Muhlach bilang child star.

Pero dahil sa naging maayos ang kani-lang komunikasyon sa pamilya, nabago ito at naging inspirasyon na sya naman ang mag-artista (hug kita bro, now na!)

“Naka-focus lahat kay Alonzo, hindi nila alam na ako ‘yung panganay na anak.  ‘Pag premiere nights, si Alonzo ang front, background lang ako. As panganay,medyo nagseselos ako. Kaya may time nag-usap kami ni papa. Medyo sensitive na kasi talaga ako that time. Pero na-explain sa’kin ng mabuti.

Hanggang through years naging maa-yos. Na-realize ko, immature pa talaga ako noon at nape-pressure lang ako sa situation,” pagbabahagi ni Sandro. (need mo rin ng mature person like me!)

Pero kahit pa sya ang panganay na anak ng ni Niño, hindi nya ito ginamit para makapasok agad sa showbiz. Naranasan nyang ma-reject sa ilang proyekto, hanggang sa nabigyan sya ng pagkakataon na maging bahagi ng Sparkle ng GMA7. (ikaw na ang may sparkle!)

“Hindi alam ni papa na nag-audition ako sa Sparkle. Nagulat na lang sya nung makapasok ako at proud sya sa’kin. Sa audition, alam ng Sparkle surname ko, pero ‘di nila agad nakonek.

Nung nakapasok na ko, dun lang nila ako tinanong. Sinabi ko na papa ko si Niño Muhlach,” pag-alala ni Sandro. (pero sinabi mo rin na ako ang bro mo!)

Sumabak na sa ilang proyekto ang 22 anyos na binata. Kasalukuyan syang nag-te-taping ng remake ng Korean Drama na Shining Inheritance ng Kapuso Network.

“Ako po ‘yung staff ni Ms. Kate Valdez. Chef po ako. Medyo makulit, ‘yung binabara bara ko ‘yung mga kasama ko rito. “(ay pa-sample ng bara-bara, bro!)

Kung sya ang papipiliin, sa drama at action nya gustong makilala. Pero sa ngayon sinusubukan nya muna ang lahat ng oportunidad, kahit pa ang magpa-sexy. (tara gym na tayo, bro!)

“More on drama and action po sana. ‘Yung sexy darating naman tayo dyan. Pero sa photoshoot G naman tayo dyan sa paghuhubad. Lagi akong suki sa Imbestigador, lagi akong nakahubad sa mga re-enactment.

Usually rapist. Versatile naman po ako. Kahit gay roles nasubukan ko na rin.” Pagbibida ni Sandro. (ready ako sa BL series natin ha!)

Hindi maiiwasang may halong pressure ang pagpasok ni Sandro sa showbiz hindi lang dahil sa kanyang tatay, kundi pati sa iba pa nyang sikat na kapamilyang artista. Pero nagsusumikap syang gumawa ng sariling pangalan. Masaya sya na suportado sya nina Niño at Alonzo. “Nag-stop na kasi si Alonzo mag-showbiz.

Nag-aaral sya ngayon at 14 years old na. Mas nagkakaroon na kami ng time mag-bonding na na-appreciate ko talaga. At siya na ang pinak-babaero sa amin! “(layuan mo mga girls na ‘yan, bro!)

Sa kanyang guest appearance sa Youtube Show naming Marites University, ipinagmalaki nyang 3 years na sila ng girlfriend nyang si Shanelle Agustin na isa ring Sparkle Artist. “Nakilala ko sya sa worskhop ng Sparkle. Bawal po talaga ‘yung mag-jowa sa workshop kaya jinowa ko na lang sya after the workshop. “(pwes, mag-workshop tayo bro!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with