^

PSN Showbiz

Tony Tuviera, tuluyan nang lumayas sa TAPE ng mga Jalosjos?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Tony Tuviera, tuluyan nang lumayas sa TAPE ng mga Jalosjos?!
Tony Tuviera.
STAR/ File

Totoo ba ang nabalitaan nating naghiwalay na talaga ng landas ang mga Jalosjos at si Mr. Tony Tuviera?

At kahit parehong tikom ang bibig ng magkabilang kampo ay hindi makapaniwala ang mga nakaalam ng naging pamamaalam ng dating malalim at dikit na magkaibigan ng mga Jalosjos at mga Tuviera.

Mas malalim pa ba ito kung tutuusin sa mga KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), KimXi (Kim Chiu at Xian Lim), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), BeaDom (Bea Alonzo at Dominic Roque atbp.?

Sorry na lang ba sa MavLine (Mavy Legaspi at Kyline Alcantara) at hindi kasama sa leveling?

So magandang itanong, wala na ba sa TAPE si Mr. T? At sa haba at tagal ng kanyang paninilbihan sa kumpanya, pihadong ang laki ng kanyang naging separation pay?
Or wala na ba?

Sharon, ‘di sinipot si Pops!

Well attended ang pre-Valentine concerts noong weekend nina Pops Fernandez sa Solaire at ang Mr. Streisand sa Music Museum, pero bakit hindi nila makuhang sabihing sold out ang mga ito?

Guest daw dapat si Gary Valenciano sa Always Loved concert ni Pops pero dahil nga ba sa medical procedure na pinagdaanan nito kamakailan kaya hindi na ito natuloy?

Bakit kaya no-show rin ang todo promote at inaasahang si Sharon Cuneta sa concert ni Pops?

Sa Mr. Streisand concert naman, stand outs sina Arman Ferrer, Michael de Mesa at Jett Pangan.

Ang tanong ng lahat, bakit pa kaya nilagay ‘yung pang-intermission na si Viñas Deluxe na walang added value raw sa palabas?

Marami ring nagtaas ng kilay sa naging front act kuning kuning ni Pops.

Sino raw ‘yun?

Kawangis daw s’ya nina Ciara Sotto at Allyssa Alano ?

Sino si Kamishia backed up by Allora? Totoo bang imbes na bayaran siya ng talent fee sa pagfo-front act, si ate gurl pa ang nagbayad sa production para makapag-front act sa Concert Queen? Bongga!

Ice, nagkaproblema sa visa

May ilang producer tayong napag-alaman na medyo matatagalan pa uling makita si Ice Seguerra na mag-perform sa Estados Unidos dahil daw sa problema sa visa?

Sayang kasi marami pa sanang interesado kay Ice na mag-perform sa US, paano kaya?

Nakakata-quote:

“Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,”  – Bea Alonzo & Dominic Roque.

vuukle comment

TONY TUVIERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with