^

PSN Showbiz

Mayor Javi at Nanay, nagulat sa inamin na hiwalayan ni Mayor Albee!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mayor Javi at Nanay, nagulat sa inamin na hiwalayan ni Mayor Albee!
Mayor Javi Benitez at Nanay
STAR/ File

Kaagad na nakatanggap ako ng tawag mula kay Victorias City Mayor Javi Benitez nang isulat kong sinabi mismo ng ama niyang si Mayor Albee Benitez na matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa.

Sabi nga ni Mayor Albee, “We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten a dissolution in court several years back.”

Si Mayor Javi ang kaagad na nag-react para sa kanyang ina.

Pinabulaanan niya ang isyung hiwalayan, at sa katunayan ay nag-pictorial pa raw silang buong pamilya nung nakaraang Pasko.

Kung may problema man daw, sana ay naging pribado na lang daw ang usapan at hindi na kailangang isapubliko o idaan sa media.

Nung Sabado ay nag-post si Javi sa kanyang Instagram account ng mensahe niya sa para sa kanyang ina.

Aniya, “We’re as shocked as everyone because this wasn’t spoken about in private, but mom I want you to know that I thank you and love you for all that you have done for our family.

“We know how much you have sacrificed for me and Bettina. I am eternally grateful (three heart emojis).”

Naintindihan namin ang nararamdaman ni Mayor Javi para sa kanyang ina, na mas gusto niyang maging pribado ang problema ng kanilang pamilya.

Kahapon ay ipinasa sa amin ni Mayor Javi ang statement ng kanyang ina kaugnay sa mga binitawang pahayag ni Mayor Albee na lumabas dito sa PSN : “In light of the recent article and its distressing contents, I wish to clarify that there have been no discussions between my husband and I regarding separation or annulment.

“The quotes attributed to him in the media, suggesting romantic links with several actresses, came as a surprise. We have been living under one roof for 31 years, maintaining our family’s unity through all of life’s challenges. My commitment to handling our personal matters with dignity and respect remains unchanged. I am especially focused on shielding our children from any pain or anguish brought about by this matter.”

Magaling na aktres Hilda Koronel, babalik na sa ‘Pinas!

Si Hilda Koronel ang isa sa aabangan na magbabalik sa bansa para mangabog na naman sa mga gagawin niyang projects dito.

Sandali siyang nakausap ng ka-PEP Troika naming si Noel Ferrer at kinumpirma niyang may gagawin siyang pelikula, at meron ding TV appearances.

Pero hindi lang niya masasabi sa ngayon hangga’t hindi pa na-finalize ang lahat.

Samantala, ang dami pala naming naririnig na kuwento sa katatapos na Manila International Film Festival.

Una ay kinukuwestiyon na bakit may sarili silang awarding. Para lang ba magkaroon sila ng gala night na binenta ang ticket na pagkamahal-mahal?

Pero ang ilan sa naririnig naming reklamo ay ang gulo na raw sa seating arrangements.

Obvious na hindi pa sanay sa pag-handle ng ganung events ang nag-o-organize.

Sana maayos na nila ito sa susunod na taon.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with