^

PSN Showbiz

Gomburza, magpapaiyak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gomburza, magpapaiyak!
Gomburza

MANILA, Philippines — Noong Lunes ay ginanap sa Gateway Cineplex Cinema 1 ang special screening para sa pelikulang Gomburza na pinagbibidahan nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee.

Ginampanan ng mga aktor sa historical film ang karakter ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomes, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.

Binitay sa pamamagitan ng garote ang tatlong paring martir noong 1872.

Matutunghayan sa naturang Metro Manila Film Festival 2023 entry ang tunay na kwento ng ating kasaysayan.

Naging emosyonal si Cedrick pagkatapos mapanood nang buo sa kauna-unahang pagkakataon ang proyekto mula sa Jescom Films, CMB Film Services at MQuest Ventures. “Kaya sobra akong naiiyak kasi ang sakit ng nangyari sa kanila. ‘Yung injustices na nangyari 151 years ago, until now nangyayari pa din. Imagine those people without proper justice or due process, ano ‘yung nararamdaman nila? Hindi mo maiiwasan maging emotional. Kahit mga pari sila, walang exemption. Gano’n ka-tragic, gano’n ka-sobrang relatable. Pagiging empath, mas made-develop. Sana mas ma-develop natin ang pakikitungo at pakikiramdam sa kapwa-tao,” makahulugang pahayag ni Cedrick.

Umaasa ang baguhang aktor na malaki ang magiging epekto sa mga manonood ng kanilang historical drama movie. “As an artist, pinakamatutulong namin ‘yung visual, ‘yung emotion, paano maitatawid ang nararamdaman ng tao o estudyante habang binabasa nila ‘yung film. Isa sa pinakamatutulong ng artists ay never dapat maging apolitical, may integrity,” giit niya.

Kabilang din sa Gomburza sina Piolo Pascual na gumanap bilang si Padre Pedro Pelaez, Khalil Ramos na gumanap bilang si Jose Rizal at Elijah Canlas na gumanap naman bilang kapatid ni Rizal na si Paciano Mercado.

Sinisiguro ni Cedrick na talagang kakaiba ang matutunghayan ng bawat Pinoy na manonood ng isang historical movie ngayong Kapaskuhan. “Sampung pelikula lahat magkakaibang kwento. Mayroong historical, fiction, pero lahat kwento ng Pilipino. Why not simulan natin ma-ignite ang pagiging Pilipino natin para mas ma-enjoy pa ang ibang timelines,” pagtatapos ng baguhang aktor.

Samantala, ayon sa direktor na Si Pepe Diokno ay maraming natuklasan ang kanilang grupo habang ginagawa ang pelikula. Hinihikayat ni direk Pepe ang mga kababayan natin lalo na ang mga kabataan na panoorin ang Gomburza. “It made me realize in the same way na hindi kilala ng maraming Pilipino ‘yung Gomburza. Kami, madaming natuklasan na hindi alam. I learned so much from their story na nilagay namin dito. Watch this film to learn and experience what happened. Para ma-inspire po ulit lahat. Na-inspire ako if mabuti ba ako na Pilipino. Kung itong tatlong pari binigyang buhay, ano magagawa pa natin? Their life helped shape the country. The way na-inspire si Jose Rizal sa kanila. Sana ma-inspire tayo sa lahat,” paglalahad ni direk Pepe. (Reports from JCC)

vuukle comment

GOMBURZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with