^

PSN Showbiz

Jak, pinag-iinitan sa ‘di ‘pagpapatikim’ ni Barbie!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jak, pinag-iinitan sa �di �pagpapatikim� ni Barbie!
Jak at Barbie

MANILA, Philippines — Hindi pa rin pala tapos ang isyung hindi pagpayag ni Barbie Forteza na pahalik kay David Licauco sa finale ng Maging Sino Ka Man at ang dami pa ring hanash kay Barbie.

Natawa kami sa nag-comment na mag-online selling na lang siya gaya ng boyfriend niyang si Jak Roberto kung ganyang may mga limitasyon siya sa mga eksenang gagawin.

Hindi rin maiwasang idamay si Jak sa naging desisyon nito at sigurado ang disappointed BarDa fans na may kinalaman si Jak kung bakit ito hindi nagpahalik kay David.

Sabi ng isang BarDa fan, baka may maglupasay sa gilid at may magmukhang kawawa na siguradong si Jak ang tinutukoy.

Mabuti na lang at hindi naaapektuhan ang friendship nila sa mga hanash ng fans nang magkita sila sa It’s Showtime noong isang araw nang mag-guest si David.

Nakakaloka rin ang request ng ilang fans na kung may limitasyon si Barbie sa mga eksena, palitan na lang siya sa Pulang Araw dahil baka masira raw ang story nito, lalo na at may pagka-sexy ang role na gagampanan niya. But of course, hindi papayag ang GMA Network na may ibang magdesisyon para sa kanila.

Kylie, tinuruan na rin ang anak na maglinis ng bahay

Maganda ang pagpapalaki ni Kylie Padilla sa dalawa niyang anak at kung naalala ninyo, may video na tumutulong ang panganay niyang si Alas sa pagluluto. Hindi lang hanggang paghiwa ng vegetable ang tulong nito, siya rin ang naghalo nang niluluto nilang mag-ina.

Nabanggit din ni Kylie na pati paglilinis ng bahay at ibang household chores kaya na nito. Kasama na rin yata rito ang paghuhugas ng plato at mga ginagamit nila sa pagluluto at pagkain.

May ginawa pa si Alas na sobrang na-touch si Kylie, ito ‘yung tila may natapon si Alas (hindi malinaw kung tubig o juice). Hindi na niya hinintay na pagsabihan siya ng mom niya to clean the mess, ang bata na mismo ang nag-mop ng floor.

Ang ikina-touch pa ng aktres ang sinabi ng anak na “Mama, madulas dito. Wag ka na mag-walk dito,” habang patuloy na nagma-mop ng floor.

“He spilt something and proceeded to mop it by himself and tell me not to walk there kasi madulas. It’s the little things,” post ni Kylie.

And speaking of Kylie, sa pilot week lang yata ang labas niya sa Black Rider at baka nga sa episode kagabi ay pinatay na ang karakter niya.

Vic at Pauleen, naka-12 years na

Kabilang si Sharon Cuneta sa bumati kina Vic Sotto at Pauleen Luna na nag-celebrate ng kanilang 12 years as a couple.

Nag-post si Pauleen ng photos nila ni Vic habang nasa bakasyon at may caption na “12 years my life partner, I am so blessed to have you in this gift called life. I LOVE YOU.”

At nanguna nga sa pagbati si Sharon na ang sabi, “Happy happy!!! Miss you both have fun!!!” Sagot ni Pauleen, “@reallysharoncuneta see you soon Ate!”

Kamakailan lang, 6th birthday ni Tali, ang eldest nina Vic at Pauleen at ang ganda ng birthday greetings ni Pauleen sa anak.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with