^

PSN Showbiz

Kyle at Seth, nananatiling solid Kapamilya

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kyle at Seth, nananatiling solid Kapamilya

Patuloy na magiging solid Kapamilya ang young Kapamilya leading men na sina Kyle Echarri at Seth Fedelin pagkatapos nilang pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN na kanilang pangalawang tahanan sa industriya.

Sa ginawang contract signing event, ibinahagi ni Kyle na mas naiintindihan na niya ang ibig sabihin ng pagiging ‘solid Kapamilya’ sa kanyang walong taon sa showbiz.

“In a world na puno ng kalungkutan, puno ng mga bagay na nakakagalit talaga, it’s nice to be an inspiration to people and show that there’s happiness in this world. That for me is how to be a solid Kapamilya,” ani Kyle.

Inalay rin ng Senior High star ang kanyang career milestone sa kanyang namayapang kapatid na si Bella na pumanaw noong Abril.

Samantala, inalala naman ni Seth kung paano siya nagsimula sa showbiz, kung saan naranasan niyang pumila sa auditions at nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang mga pangarap dahil sa mga taong nagtiwala sa kanya.

“Ang dami kong pinagdaanan na akala ko, hanggang doon lang ako pero hindi ko hinayaan. Nagsikap ako, inaral ko ‘yung gusto kong maging at hanggang ngayon natututo pa rin ako,” pagbabahagi ni Seth.

Dagdag pa ng bida ng Fractured na pamilya talaga ang turing sa mga talent na katulad niya ng ABS-CBN. “Trabaho ito pero hindi nakikita ng mga tao na kami po para kaming nasa bahay dito.”

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with