^

PSN Showbiz

Barbie at David, hindi tinotoo ang laplapan!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Barbie at David, hindi tinotoo ang laplapan!
Barbie Forteza at David Licauco

Nabasa namin ang pagkadismaya ng ilang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco dahil sa fake ang kissing scene nila sa ending ng Maging Sino Ka Man. Wedding scene nina Monique (Barbie) at Carding (David) ang ipinakita. Siyempre, may halik na nangyari naman, kaya lang, makikita sa eksena hindi sa lips ni Barbie dumampi ang lips ni David kundi sa left cheek nito.

Bukod doon, makikita ring tinakpan ni David ng thumb niya ang lips ni Barbie para siguro hindi makita na hindi sa lips niya ito hinalikan.

May nag-comment na kundi pa ready magpahalik sa lips si Barbie, sana sa noo na lang siya hinalikan ni David para hindi pangit lumabas ang eksena. Para raw naglolokohan at hindi nagmamahalan ang mga karakter nila sa series sa ganu’ng eksena.

Jowa ni Ricci,ginamit ang kanta ni Gary V sa bashers

Brother pala ni Ricci Rivero si Prince Rivero, ang partner ni Lesley Martinez, ang anak nina Leo Martinez at Gina Valenciano Martinez. May isang anak na ang dalawa at ikakasal na sila dahil nag-propose si Prince noong Nov. 4 yata sa concert ni Gary Valenciano sa Music Museum.

Sa napanood naming video, nagulat si Lesley nang mag-propose si Prince dahil ang dami nga namang tao na karamihan ay hindi nila kilala. After the proposal, niyakap ni Gary si Prince.

Si Leren Bautista na girlfriend ni Ricci ang nag-share ng clip ng proposal nito kay Lesley dahil nanoon din ang magdyowa sa concert ni Gary. Nag-post pa nga si Leren sa kanyang IG Stories ng video clip nang kantahin ni Gary ang How Did You Know at may caption na patungkol sa haters at bashers nila ni Ricci.

“You came at the right time in my life. God knows the truth. We don’t have to defend ourselves anymore, ang mahalaga alam natin ang totoo. @ricciiirivero.”

Kailan nga kaya titigilan ng bashers sina Leren at Ricci? Ayaw talaga silang patahimikin at kung gaano nila depensahan si Andrea Brillantes, ganu’n naman nila ka-hate sina Leren at Ricci. Unfair nga naman!

Pagtatakilyero ni Alden, nagbunga ng P60 million

Umabot na sa P60 million ang box-office gross ng Five Breakups and A Romance, kaya nagpasalamat na naman si Alden Richards sa mga patuloy na sumusuporta sa movie nila ni Julia Montes.

Sa bashers ni Alden na nagsabing kinakaila­ngan niyang magbenta ng tiket, maging takilyero at mag-cinema visit para panoorin ang movie, aminin ninyo na nag-work ang ginagawa niya. Heto nga at P60M na ang gross ng movie and still counting.

May mga umuulit manood para umabot sa P100M ang gross ng movie dahil gusto nilang magkaroon ito ng part two. Ang pangako kasi ni Director Irene Villamor, magkakaroon ng part two kung aabot sa P100M ang gross at sa desisyon na rin ng mga producer.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

BARBIE FORTEZA

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with