^

PSN Showbiz

Female personality, ‘di na makilala sa rami ng pinaretoke!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Kailangang mag-second look ng mga nakakakita sa isang sikat na female personality dahil hindi na siya kagaya ng dati na sa unang tingin eh kilala mo na agad!

Kasi naman, maganda si sikat na female personality nang unang naisapubliko ang katauhan niya dahil sa sikat na malapit sa kanya.

Kaso, habang tumatagal, may nababago sa mukha niya, huh! At hindi lang daw isang beses na nabago ang mukha niya!

Eh dahil sikat na, maraming mga retoke clinic na dumidikit din sa kanya. Marahil eh nabola siya kaya dahil kung hindi retoke eh pa-botox naman ang pinapagawa niya.

Kaya kung una ay ang mamahaling gamit ang napapansin sa female personality, ngayon, pati nabago sa mukha niya eh inaalam na rin kung totoo o hindi!

#Feelingblessedngayongpasko, mapapakinggan na!

Ngayong araw na ito, Linggo, ang launching ng 2023 Christmas ID ng GMA Network na mapapanood sa All-Out Sundays.

Una nang inilabas ang lyrics video ng nasabing kanta.

Ang hashtag nito ay #FeelingBlessedNgayongPasko.

Siyempre pa, magagaling na singers ang nasa likod ng jingle kaya abangan at damahin ang mensahe ng GMA Christmas station ID sa AOS!

vuukle comment

GMA

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with