^

PSN Showbiz

‘Hindi ako nakaratay’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Hindi ako nakaratay�

MANILA, Philippines — Naloka naman ako sa mga nagkakalat ng kuwentong nakaratay daw ako. Hahaha.

Inaamin ko namang may sakit ako, tinamaan ako ng matinding pneumonia, pero sa awa ng Diyos nalampasan ko ‘yun. Gumaling ako at pinauwi ng aking mga doctor na ipinaramdam kung gaano sila ka-concern sa akin.

Alam ko namang maraming nagbababu sa mundo dahil sa pneumonia, pero talaga sigurong babaeng pinagpala ako. Binigyan ng extension ng Diyos ang buhay ko.

At nakapagpakulay pa ako ng buhok sa Bambbi Fuentes Salon noong Lunes ng tanghali kahit itanong ninyo pa kay Kris na favorite ko sa Bambbi Fuentes.

Sosyal ‘di ba. Itim na itim na ulit, sino na ang magsasabi na lahat ng 76 years ay puti ang buhok? Hahahaha.

Kaya very thankful and grateful talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Hindi ko akalain at inasahan na ganun ako kamahal ng Diyos at kaswerte sa mga kaibigan.

Saka ‘di ba the more na sinasabi nilang nakaratay ako, the more na parang lumalakas ang pakiramdam ko.

Hindi lang talaga ako masyadong nagpo-post sa Instagram dahil aligaga ako sa panonood ng mga Korean drama. Ngayon lang ulit ako naaliw sa panonood ng K dramas kaya chill lang ako sa bahay, kain-kain at count ng datung na bigay ng mga ‘papa’ ko na itago natin sa pangalang… Hahahaha. Basta hindi ko sasabihin ngayon pero kung pipilitin n’yo ako, sasabihin ko rin. Bongga.

Sa ngayon dito muna ako regular na mababasa. Marami akong mga chikang exclusive dito, kaya buy kayo ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa dahil mas maraming chika na hindi fake news at haka-haka. Pawang katotohanan at katotohanan lang.

Bongga. Yun lang, at babu!

vuukle comment

PNEUMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with