^

PSN Showbiz

Belle, na-realize na hindi nabibili ang pag-ibig

Pilipino Star Ngayon
Belle, na-realize na hindi nabibili ang pag-ibig
DonBelle
STAR/ File

Bongga sona Donny Pangilinan and Belle Mariano.

Maiinit ang pagtanggap ng viewers sa kauna-unahang teleserye ng New Gen Loveteam sa pilot episode ng Can’t Buy Me Love nitong Lunes (Oktubre 17) na nakakuha ng 454,413 live concurrent views at nanguna sa X (dating Twitter) trending list nationwide.

Ayon kay Donny, mas challenging ang roles nila rito at kakaiba sa mga dating ginampanan nila.

Sey ni Donny, “Ang daming bago talaga. Ang question talaga kung anong similarities and there are so many new things na hindi niyo pa nakikita sa past projects.”

Dagdag pa niya, hindi lang kilig ang ipaparamdam ng mga karakter nilang sina Bingo (Donny) at Caroline (Belle).

“Hindi ito ‘yung typical rom-com. Ang daming genre in one show, may romcom, drama, mystery. Ang dami mong emotions na mafe-feel and marami ka rin questions na gustong malaman every episode,” saad niya.

Para naman kay Belle, ituturo ng kwentong ito kung bakit hindi talaga mabibili ang pag-ibig.

“You can’t buy love. You can buy happiness, but you can’t buy everything. You can only find true happiness in yourself and the people surrounding you,” sabi niya.

Samantala, hindi lang naman sa social media nanguna ang serye dahil kasalukuyang Top 1 most watched show rin siya sa Netflix Philippines.

Sa pilot episode, nakita ng viewers ang mga masalimuot na nakaraan nina Bingo at Caroline noong mga bata ito. Iniwan nga si Bingo ng kanyang ina para ayusin ang malaking utang nito habang si Caroline naman ay nakita ang inang nasaksak matapos pasukin ang kanilang bahay ng hindi kilalang tao.

Sa pagkamatay ng ina, napilitang tumira si Caroline sa unang pamilya ng ama na simula pa lang ay ipinaintindi sa kanyang sampid lang siya sa pamilya. Samantala si Bingo naman ay kinupkop ni Lola Nene matapos niyang sagipin ito mula sa pagkakabangga.

Parang tama nga ang opinyon ng iba na ang DonBelle ang bagong KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla).

Ang inaabangan na lang sa kanila ay kung magiging sila rin officially though may nagsasabing may mutual understanding na sila.

Samantala, bukod sa Can’t Buy Me Love (Netflix PH), nangunguna rin ang mga serye ng ABS-CBN na Linlang, Unbreak My Heart, at Senior High sa streaming platforms na Prime Video, Viu, at iWantTFC respectively.

Nananatili rin ang thriller drama serye na Linlang, na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, at JM De Guzman, bilang most watched TV series sa Prime Video Philippines pagkatapos ng matagumpay na debut nito noong Oktubre 5.

Samantala, hawak naman ng Unbreak My Heart, nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap, at Gabby Garcia, ang numero unong pwesto sa Hottest Filipino Drama chart sa Viu.

Pinakapinapanood rin ang mystery family drama show na Senior High, na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla at iba pa sa iWantTFC.

Ganundin ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin sa rating charts sa primetime TV, na nagtala ng average national TV ratings na na 25.2% noong Oktubre 9 hanggang 13, sakop ang urban and rural na kabayahan, ayon sa Kantar Media.

Nakakamit rin ng bagong milestone ang A Very Good Girl ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon, dahil kumita na ito ng mahigit P100 milyon sa ikatlong linggo nito sa takilya.

Sa kasalukuyan ay sinasabi talagang malabo nang magkaroon ng franchise ang Kapamilya network kaya talagang content provider na ang ABS-CBN.

At maganda lang dito, tuloy ang partnership nila sa TV5 and GMA 7.

BarDa, magpapakilig sa Cebu!

Bago pa tuluyang ma-sepanx ang BarDa fans sa nalalapit na pagtatapos ng  Maging Sino Ka Man, magpapakilig muna sina Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco sa Cebu this weekend.

Magpupunta sila sa Activity Center, Ayala Malls Central Bloc, Cebu City sa Sabado, Oct. 21 para sa isang love-filled Kapuso Mall Show with Barbie at David.

The fun starts at 4 p.m. kaya agahan ang pagpunta para hindi ma-miss ang tamis ng BarDa love team.

Star-studded din ang Kapuso Mall Show sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan that same day courtesy nina Stolen Life actors Carla Abellana at Gabby Concepcion at Sparkle U Frenemies’ star Zephanie.

Ganundi ang Sparkle artist Maey Bautista to host the event na magsisimula ng 4 p.m.

vuukle comment

BELLE MARIANO

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with