^

PSN Showbiz

Kathryn, surrender sa kanyang mini-me

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, surrender sa kanyang mini-me
Kathryn at Eunice
STAR/ File

ABS-CBN Ball 2023 humakot ng 685 milyong views...

Nakakuha na pala ng kabuuang 685 milyong views ang ABS-CBN Ball 2023: Forever Grateful, ang sinasabing pinakamalaking showbiz event of the year, sa iba’t ibang social media platforms base sa datos noong Oktubre 10.

Makalipas nga ang apat na taon, nakita muli ng fans ang kanilang paboritong artists, love teams, beteranong aktor at aktres, pati na rin ang industry leaders at content partners, na rumampa sa red carpet ng inabangang Kapamilya event.

Live na ipinalabas ang star-studded ball sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at Metro.style, Metro Channel, iWantTFC, at TFC.

Ang ilang porsiyento ng pondong nalikom sa ball ay napunta sa ABS-CBN Foundation, na kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng Sagip Kapamilya, Bantay Bata 163, Programa Genio, Bantay Kalikasan, at Integrated Area Development.

Samantala, isa sa talagang pinag-usapan sa ABS-CBN Ball ay si Kathryn Bernardo na ‘modern and forward’ gown ang concept na gawa ni Mark Bumgarner. Dahil doon ay siya ang nag-uwi ng Best Dressed.

At nagkaroon pa siya ng mini-me.

Pati ang sinuot niyang gown nang tanggapin ang Outstanding Asian Star award sa Seoul International Drama Awards (SDA) 2023 ay may mini-me rin na sabi niya ay surrender siya. “I surrender! I think she did it better!  I hope to meet you soon, bb eunice!!”

Super dami namang nakyutan kay BB Eunice.

Samantala, mahigit P100 million na pala ang kinita ng pelikulang A Very Good Girl ni Kathryn. Ito na ang biggest local film so far for this year.

Kaya siya pa rin ang box-office queen kumbaga.

vuukle comment

ABS-CBN

BALL

EUNICE

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with