^

PSN Showbiz

Boy Abunda, nasa Bubble Gang na?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda, nasa Bubble Gang na?!
Boy Abunda

Wow, nag-taping pala ng King of Talk Boy Abunda sa Bubble Gang. Yup, may nagchika nga na nag-taping si tito Boy last Monday night.

First time ito ni tito Boy na sasabak sa comedy / gag show. At sa character niya at versatility, tiyak na na-enjoy niya toh.

Wala pang idea ang nagchika kung kailan ang ai­ring ng episode na special guest si tito Boy na regular ding napapanood as judge sa Battle of the Judges bukod sa daily talk show niyang laging trending na Fast Talk with Boy Abunda.

Bidang-bida sa resort...Erin Ocampo, wala nang issue kay Garie Concepcion nag-umpisa na noong martes ang showing ng pelikulang the last resort.

Pero hindi sa mga sinehan mapapanood kundi sa pinakabagong streaming app na Goblin Streaming Service, ang sinasabing the newest, hottest and naughtiest platform, palaban sa Vivamax.

Ang Goblin Films din ang producer ng The Last Resort starring Oliver Aquino and former GirlTrend member Erin Ocampo directed by Jay Altajeros.

Ito rin bale ang launching movie ni Erin na more than 10 years na sa showbiz pero ngayon lang magbibida sa pelikula with Paolo Paraiso.

At super daring ang character niya. “This is my first time na gawin ‘yung sexy talaga,” aniya sa ginanap na media launching nito last week.

Kaya kahit kissing scenes ay bago rin sa kanya. Pero binigay niya raw lahat-lahat dito for the first time.

Pero ba’t nga ba ngayon lang siya sumabak sa ganito?

“Wala po akong plano anytime soon.  For me, hindi ko siya kayang gawin. Kasi, I’m not really into that. Kasi kaya ko naman pong gawin lahat, ‘di ba?,” sabi ni Erin.

Dagdag niya, gumagawa naman siya ng comedy movies at kaya rin niyang kumanta at sumayaw. Pero ibang usupan daw nang makita niya ang script ng nitong The Last Resort.  “Kasi maganda po ang story talaga. ‘Yun po talaga ang nagpa-yes sa akin, ‘yung story. Wala pa po ako nababasa na script, ikinukuwento pa lang po sa akin sabi ko agad ‘gagawin na natin ‘yan! Tara na!,’” paliwanag ni Erin.

Nauna na raw siyang tumanggi sa alok dati ng Vivamax. May limitasyon daw talaga siya kaya ganun dahil sa kanyang anak na eight years old na this December.

Actually, kahit daw sa pananamit niya, binabantayan siya ng anak kaya talagang iniisip niya lagi ang sasabihin nito. Pero ito raw ay hindi na niya pinaalam sa anak.

Ang singer na si Michael Pangilinan ang ama ng kanyang anak. At wala na silang issues ni Michael ngayon.

In fact, masaya pa nga raw siya dahil may baby girl na ito kay Garie Concepcion.  “Parang, kumbaga kahit ano ‘yung pinagdaanan namin in the past, kahit na hindi maganda, siyempre, ‘di ba? Nangyayari talaga ‘yun sa totoong buhay. Kung iisipin mo nga, worse pa ‘yung sa iba, ‘di ba?”

Kaya raw nakaka-bonding ng anak niyang si Kiel ang baby sister nito.

Magkasundo sa co-parenting setup sina Erin at Michael.

Pero pagdating sa financial support ay sa school lang ng bagets sumusuporta si Michael.

Wala naman daw silang problema ni Garie pero isang beses lang silang nagkita.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with