^

PSN Showbiz

JM, umaasa sa matamis na ‘oo’ ni Donnalyn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM, umaasa sa matamis na �oo� ni Donnalyn
JM de Guzman at Donnalyn Bartolome

Kamakailan ay namatay na ang karakter ni JM de Guzman bilang si Bro. Joseph sa teleseryeng The Iron Heart.

Para sa aktor ay talagang na-enjoy niya ang pagganap bilang kontrabida sa naturang serye na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. “Siguro ‘yung twist ng character, kung paano siya nagbago, kung paano niya ni-redeem ‘yung sarili niya. ‘Yon ang nagustuhan ko sa kanya,” nakangiting pahayag ni JM.

Ayon sa aktor ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kanyang bagong karakter sa seryeng Linlang. Mapapanood na sa pamamagitan ng Prime Video simula Oct. 5 ang bagong proyektong pagbibidahan nina JM, Kim Chiu, Kaila Estrada, Heaven Peralejo at Paulo Avelino. “Pinaghirapan po namin ‘yon. Medyo shady po ‘yung character ko roon eh, medyo dark. Nai-enjoy ko in a way na parang mas nagiging creative ako. Mas nagiging free ako kasi ‘yung reach ng character malawak. Pero nakakapagod siya, ‘yung extremes kasi ng character,” paglalahad ng binata.

Samantala, patuloy pa rin umano ang ginagawang panliligaw ni JM kay Donnalyn Bartolome. Matatandaang naibahagi ng aktor sa publiko noong isang taon ang kanyang tunay na intensyon para sa dalaga. “Napapawi ang inip ko ‘pag nakikita ko siya. Sana may pag-asa,” nakangiting pagtatapos ng aktor.  

Dolly, nagbago ang pagkakakilala kay Kathryn

Minsan nang nagkatrabaho noon sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon. Ngayon ay pinagbibidahan ng dalawang aktres ang A Very Good Girl na mapapanood sa mga sinehan simula Sept. 27. Isang masayang karanasan para kay Kathryn na makatrabaho ang premyadong aktres. “It was a joy working with you. Grabe ‘yung experience na ito because you were there for me since day 1. I appreciate you so much at paulit-ulit ko ‘yong sasabihin because ‘yon ang pina-feel mo sa akin. I learned so much from you Ms. D. Ang dami pa nating mga gagawin at mga bondings soon. I am looking forward to that,” mensahe ni Kathryn kay Dolly nang mag-guest ang huli sa Magandang Buhay.

Masayang-masaya rin si Kathryn dahil sa nabuong pagkakaibigan nila ni Dolly. Kahit malayo ang agwat ng mga edad ay talagang nagkasundo umano sina Dolly at Kathryn sa trabaho. “I appreciate our friendship. I will value it forever. I am just one message away kapag kailangan mo ng pampa-relax at kailangan mo ng pampa-happy. Nandito lang ako parati to make you happy. Consider me as your friend in this industry na you can count on. Congratulations in advance sa movie natin. I am happy na nagawa ko ito kasama ka,” dagdag pa ni Kathryn.

Ayon naman kay Dolly ay ibang-iba ang kanyang pagkakakilala noon kay Kathryn kumpara sa ngayon. Aminado ang beteranang aktres na nakaramdam siya ng pagkailang noong mga unang araw sa shooting ng bagong pelikula. “Grabeng experience ito. Kasi si Kath ‘di ba she’s a really big star. So medyo nakaka-intimidate siya. Pero wala siya ng kung ano ang mga iniisip ko tungkol sa kanya at all. Approachable siya, friendly, very supportive and helpful at saka generous actor. Super sweet, I love her as in sobra, grabe,” nakangiting pagbabahagi ni Dolly. Reports from JCC

vuukle comment

DONNALYN BARTOLOME

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with