^

PSN Showbiz

Jodi, itutuloy ang pagma-master

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi, itutuloy ang pagma-master
Jodi
STAR/ File

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Jodi Sta. Maria ang kanyang ika-41 taong kaarawan sa Kythe Foundation.

Bilang selebrasyon ay binigyan ng aktres ang mga batang may cancer at chronic illness ng regalo. Taong 2017 pa umano nang magsimula si Jodi sa pagtulong sa naturang institusyon. “May mga bata na fighter talaga sila. Naniniwala ako na hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang. Whatever it is na mayroon tayo, ‘yung biyaya na binigay sa atin ng Panginoon, ginagamit Niya tayo as His vessel. Parang His channel of blessing that makes life more fulfilling,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng tumangkilik sa seryeng Unbreak My Heart na kanyang pinagbidahan. Ngayon ay puspusan na ang ginagawang training ni Jodi para sa isang bagong proyekto. “Hindi madali dahil I train four times a week. Combination of so many things. But I’m just thankful that I have the right people with me, coaching me, telling me what to do, not to do. This is all new to me, physically demanding, nakakatakot. May mga pagkakataon na pinagdududahan mo ‘yung sarili mo kung magagawa mo ba siya or hindi. ‘Yung nagpu-push sa akin mas maging dedicated do’n sa role na tinanggap ko,” pagbabahagi niya.

Samantala, nakapagtapos ng kursong Psychology si Jodi noong 2021.

Sa susunod na taon ay balak namang ipagpatuloy ng aktres ang pagkuha ng kanyang master’s degree.

Naniniwala siya na talagang mahalaga ang edukasyon para sa isang tao. “Once a week lang naman ‘yon, 8 to 5 ‘yung classes. Magiging doable siya next year. Siguro ‘yon ‘yung isa sa in-instill sa akin ng lola ko saka ng mommy ko. Kasi hindi naman well to do ‘yung family ko. Talagang sinabi nila sa akin na importante ‘yung education. Isa ‘yan sa mga bagay na hindi talaga mananakaw sa iyo. Pangalawa, noong maliit ako sinasabi nila kapag nakatapos ka, mas magkakaroon ka ng laban. Maraming oportunidad sa buhay,” pagtatapos ng magaling  na aktres.

Andre, ‘di na humihingi ng pera kina Jomari at Aiko

Sa edad na 25 taong gulang ay nakakatatlong kasintahan na si Andre Yllana. Ngayon ay wala umanong karelasyon ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana. “Ang hirap to have a girlfriend who doesn’t understand your craft. Wala talaga, hindi ako naghahanap sa totoo lang. If she comes, she comes. Okay lang ako talaga,” bungad ni Andrei.

Katulad ng ina ay nangangarap din ang binata na makapaglingkod sa bayan. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring sumabak ni Andre sa mundo ng pulitika. “Doon na rin papunta ang landas ko. So I might as well return to school to study formally. I went with mommy in her campaign. Ang sarap ng feeling na nakakatulong ka sa mga tao. Ang laki kasi ng district 5 sa Quezon City. So kapag may hindi mapuntahan si mommy, tinutulungan ko na siya. Naghahati na kami,” kwento ng aktor.

Sa ngayon ay hindi na raw humi­hingi ng suportang pinansyal si Andre mula sa mga magulang.

Nakararamdam na ng hiya ang aktor sa tuwing binibigyan siya ng pera ni Aiko. “Si mommy kasi she always gives, nahihiya na ako. Gusto ko na sanang magkaroon ng sariling bahay at sariling kotse. Binigyan ako ni daddy ng car pero for racing. Then ang ginagamit kong car when I go out kay mommy. Pinapahiram sa akin ‘yung car niya,” pagtatapat ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

KYTHE FOUNDATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with