^

PSN Showbiz

Ibang artista, ginagawang fallback ang pulitika?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakatawa naman na ‘yung ibang artista ang iniisip pasukin ang pulitika ‘pag talagang hirap nang maging mainit muli ang showbiz.

As if naman madali nilang mapapasok ang politics na mukhang punong-puno na rin naman.

Kaya nga dapat pag-isipan munang mabuti ng mga artista ang kanilang gagawin bago pumasok sa isang bagong propesyon.

Hindi ganun kadali ang basta na lang tatakbo ka sa isang posisyon, dapat preparado ka, dapat pinag-aralan mong mabuti.

Dahil pinakamasakit ‘pag natalo ka ‘pag kumandidato, magkakaroon ka ng stigma as a loser at mahirap ng mag-bounce back.

So dapat isip-isip muna para bongga.

Mother Lily at Boss Vic, pag-asa sa muling pag-init ng showbiz!

Hindi maganda ang kinalabasan ng movie nina JC Santos at Bela Padilla.

Kaya baka lalo pang mababawasan ang mga gustong mag-produce ng pelikula ‘pag ganitong hindi kumikita ang mga ipinalalabas na movie na pinalalabas sa mga sinehan.

Sayang talaga na naging ganito ang resulta dahil na rin siguro sa hirap ng buhay at iba na ang taste ngayon ng mga manonood.

Sayang nga at hindi ako naka-attend ng birthday lunch ni Mother Lily Monteverde dahil sana natanong ko kung ano ang mga bagong balak niya.

Si Mother Lily at Boss Vic del Rosario na lang ang pag-asa ng showbiz na maging mainit muli.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with