^

PSN Showbiz

Mother Lily, masama ang pakiramdam!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily, masama ang pakiramdam!
Mother Lily

Parang na sad naman ako ng bongga dahil mabalitaan ko na hindi maganda ang pakiramdam lately ni Mother Lily Monteverde.

Second mother ko na si Mother Lily dahil mula pa nun na nag-uumpisa ako sa ako sa showbiz mabait na siya sa akin.

Simula pa lang ng Regal Films ay nandun na kami ni Douglas Quijano.

Lumaki ang Regal at masasabi ko na iyon din ang kasabay ng pag-angat ko sa buhay.

Lahat halos nang naipon ko at nabili dahil sa Regal Films at sa generosity ni Mother Lily.

Marami akong utang na loob na dapat ta­nawin kay Mother Lily kaya anuman balita tungkol sa kanya, apektado ako.

At hindi ako magsasawang alalahanin na siya ang unang nagdala sa akin sa abroad, sa Hongkong.

At hindi ko iyon makakalimuntan sa buong buhay ko.

Icon si Mother Lily at hindi mabubuo ang history ng showbiz pag hindi siya kasama.

Kaya sana kung anuman ang health condition niya maging maganda dahil maraming nagmamahal sa kanya. Dasal namin na sana manatili siyang malusog dahil marami ang nagdarasal para sa kanyang kalusugan. Stay strong Mother Lily, we love you.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with