Maine at Arjo, nag-swap ng mamahaling regalo sa kanilang kasal

Mayor Joy at iba pang ninong at ninang

Tuloy ang pag-iilusyon ng ibang Alden-Maine fans.

Talagang kahit legit na mag-asawa na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ‘di pa sila nawawalan ng pag-asa.

Pambihira.

Kelan kaya sila magigising sa katotohanan.

Alangan namang hindi totoo ang pagni-ninong nina Tito, Vic and Joey, Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, House Speaker Cong. Ferdinand Martin Romualdez, ABS CBN CEO Carlo Katigbak among others.

Ang mga ninang naman ay pinangunahan nina Que­zon City Mayor Joy Belmonte, Maricel Soriano, Nova Villa, Rhea Anicoche-Tan, Madeleine Tuviera, Celeste Tuviera and ABS CBN executive Cory Vidanes.

Anyway, bitbit ni Maine sa wedding nina Rambo Nuñez at Maja Salvador sa Bali ang mini Hermes Kelly na wedding gift sa kanya ng asawang kongresista. More than half a million pala ang ang halaga nito.

Si Maine naman ay SUV car daw na Toyota Land Cruiser ang regalo sa mister.

Congrats again, Arjo and Maine.

Show comments