Tito, binawalang tumestigo ng GMA/TAPE!

Tito Sotto

May paliwanag si Tito Sotto kung bakit nakansela ang second hearing ng kasong isinampa nila nina Vic Sotto, Joey de Leon at Jeny Ferre laban sa TAPE Inc., at GMA Network dahil hindi siya nakapag-submit ng judicial affidavit on time.

Sabi ni Tito, “I was prevented from testifying by the TAPE/GMA lawyers wanting a separate judicial affidavit when in fact we had a submitted affidavit weeks ago. Yun ang totoo.”

Abangan natin ang mga susunod na mangyayari sa susunod na hearing.

Mukhang magtatagal ang kaso na ito dahil magpapagalingan ang lawyers ng bawat kampo.

In the meantine tuloy ang airing ng Eat Bulaga ng TAPE Inc., at E.A.T ng TVJ.

Inaabangan din ang magiging action ng MTRCB head Lala Sotto sa reklamo ng halikan ni Tito ang asawang si Helen Gamboa sa E.A.T nang mag-guest si Helen. Anak kasi nina Tito at Helen si Lala.

David at Jak, naging busy sa birthday ni Barbie

Ang tweet ni Barbie Forteza na “No words. Maraming salamat! Da best kayo” bilang pasasalamat sa kanyang fans na idinaan sa LED billboard ang birthday greetings nila sa aktres na birthday noong July 31.

Hindi lang isa kundi apat ang LED birthday greetings sa kanya ng kanyang fans.

May LED birthday greetings sa Session Road sa Baguio City, mayroon sa Glorietta at mayroon sa EDSA-Magallanes, kaya kahit hindi niya fans at hindi alam na birthday niya, nalaman ng mga nakabasa.

Binati rin siya ng ka-love team niyang si David Licauco ng “Happy birthday, Binibining Klay! Proud of your achievements & what’s more to come hehe see you in taping”

May birthday celebration din siya with her fans at maganda ang ginawa ng BarDa fans nila ni David na nag-donate sa PAWS na ikinatuwa ni Barbie dahil may fur babies din siya na bigay ni Jak Roberto.

Of course, may birthday greetings din si Jak sa GF na “Happy Birthday Madam! I love you so much!” at sa birthday dinner nina Barbie with her parents, si Jak ang kanyang kasama.

Sayang at limited ang nakakapag-comment sa Instagram ni Barbie, masaya sanang mabasa ang awayan ng JakBie at BarDa fans na madalas, katuwaan lang at hindi seryosohan.

Maine at Maja, mag-uunahan din sa pagbubuntis?!

Gamit ni Maine Mendoza sa wedding nina Rambo Nuñez at Maja Salvador ang mini Hermes Kelly na wedding gift sa kanya ng asawang si Cong. Arjo Atayde. Pareho pa nga sila ng bag ni Rhea Tan, magkaiba lang ng kulay.

Nag-Google agad ang fans para malaman kung magkano ang worth ng mini Hermes Kelly, iba-iba lang sila nang na-Google na price dahil may nagsabing million ang worth noon at may nagsabi namang P600,000 depende kung saan nabili.

Bongga rin ang wedding gift ni Maine kay Arjo na isang SUV na ang tingin ng fans ay Toyota Land Cruiser, kaya pareho lang daw expensive ang wedding gift ng mga bagong kasal sa kanilang mga sarili.

Bridesmaid si Maine sa wedding nina Rambo at Maja at kung natatandaan, bridesmaid din si Maja sa wedding nina Arjo at Maine. Kapag ikinasal ang friend nilang si MJ Lastimosa, siguradong bridesmaids sila.

Ang inaabangan ngayon ng fans ay kung sino kina Maja at Maine ang unang magbubuntis at magkaka-baby at kung sino ang unang magiging mommy.

 

Show comments