^

PSN Showbiz

Andrea, hindi na mapait ang mga sinasabi kay Ricci!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Andrea, hindi na mapait ang mga sinasabi kay Ricci!
Andrea Brilliantes

Wala nang mas­yadong anghang ang mga pahayag ni Andrea Brilliantes tungkol sa ex-boyfie niyang si Ricci Rivero nang hingan ng pahayag matapos ang contract signing niya sa Kapamilya Network.

Ayon sa reports, moving forward na raw si Andrea after the breakup at batuhan ng baho!

Okey rin lang daw kung magkikikita sila ni Ricci.

Siyempre kabilang si Andrea sa A-list stars ng Star Magic kaya kung pagsabihan siyang manahimik eh para rin sa kanyang career ‘yon.

Sikat na vlogger, nilayasan ng mga staff dahil sa maliit na suweldo

Nagkakalasan daw ang ilang staff ng isang may name nang vlogger dahil sa mababang suweldo sa kanila!

Kaya naman nagkukumahog ang vlogger na kumuha ng kapalit ng staff para magpatuloy ang contents nito na inilalabas!

Eh kumikita na raw nang malaki ang vlogger sa kanyang channel kaya fair salary naman ang gusto ng kanyang staff.

Eh very ironic pa naman ang name ng vlogger kung tututusin pero naghihirap naman ang kanyang staff sa kakarampot na sahod niyang ibinibigay, huh!

Naku naman, huwag naman agrabyaduhin ang mga empleyado lalo na kung malaki ang naitutulong nila sa pagkamal ng pera ng kanilang mga amo, huh!

Labag ‘yan sa batas! 

 

vuukle comment

ACTRESS

ANDREA BRILLIANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with