^

PSN Showbiz

MTRCB pinaalalahanan ang mga malfunction ng outfit sa live shows

Pilipino Star Ngayon
MTRCB pinaalalahanan ang mga malfunction ng outfit sa live shows
LALA
STAR/ File

May paalala si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto-Antonio sa lahat ng Television (TV) Networks, Blocktimers, Program Producers, at Distributors na tiyaking ang mga suot ng mga talent ay ligtas at angkop sa performances.

Inilabas ng MTRCB ang Memorandum bunsod ng magkakasunod na wardrobe malfunctions na namataan ng Ahensiya sa ilang live TV programs.

Binigyang-diin ni Sotto-Antonio na “ang MTRCB ay kumikilala sa aksidente ng wardrobe malfunction pero, gayunpaman, ang MTRCB Board ay mariing nagpapaalala sa mga stakeholder na doble-ingat sa gitna ng madalas na pagkasira ng wardrobe ng ating mga performer at talent.”

“Binabalaan ang lahat na sakaling maulit ang mga kahalintulad na sakuna ay lalapatan ng mas mabigat na parusa,” dagdag niya.

Nakasaad sa sa Section 8, Chapter V ng Implementing Rules and Regulations of the Presidential Decree No. 1986, ang mga live television programs tulad ng noontime variety shows at talk shows, ay kinakailangan na mag-superimpose ng katagang Parental Guidance (PG) sa TV screen sa buong airing ng programa. Ang superimposition ng naturang rating ay bilang paalala sa mga magulang at TV stakeholder na maging mapagmatyag at mabigyan ng pansin ang content na maaaring hindi angkop sa mga kabataan, laluna’t ang mga programa sa telebisyon ay umeere nang live.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with